Home Headlines Kopya ng Pinoy Weekly kinumpiska, 2 arestado

Kopya ng Pinoy Weekly kinumpiska, 2 arestado

969
0
SHARE

Ang mga kopya ng pahayagang Pinoy Weekly na kinumpiska ng kapulisan. Larawang kuha ng Pandi Kadamay



PANDI, Bulacan — Kinumpiska ng kapulisan ang mga kopya ng
Pinoy Weekly, isang pahayagan sa Barangay Siling Bata na umanoy naglalaman ng laban sa gobyerno, habang arestado naman ang dalawa na naghahawak nito.

Ang mga naaresto ay nakilalang sina Rosalita Fortaleza y Tazan, 54, at Buenavil Fortaleza, kapwa residente ng Villa Lois, Barangay Siling Bata.

Ayon sa ulat, napansin ng kapulisan ang dalawa bandang 1:30 Linggo ng madaling araw na naglalakad sa kalsada ng walang mga suot na facemask.

Nang sitahin ang mga ito ng rumorondang pulis ay napansin na may hawak ang mga ito na babasahin laban sa gobyerno at sila ay inaresto at kinumpiska ang mga kopya ng dyaryo.

Dahil dito, plano ng pamunuan ng pahayagang Pinoy Weekly na magsampa ng kaso sa tanggapan ng Commission on Human Rights laban sa kapulisan na nagkumpiska ng kanilang dyaryo.

Ayon kay Kenneth Roland Guda, publisher ng Pinoy Weekly, labag sa kalayaan ng pamamahayag ang ginawang pagkumpiska ng kapulisan sa kopya ng kanilang pahayagan.

Aniya, hindi naglalaman ng laban sa gobyerno ang kanilang dyaryo at pumupuna lamang ito sa pamahalaan batay sa journalistic ethics and standard.

Nilinaw ni Guda na hindi nila kilala ang mga inaresto ngunit posibleng mga subscribers nila ang mga ito sa lugar na bulto kung umorder ng kanilang lingguhan na dyaryo.

Ani Guda, taong 2002 pa sila nagsimula na mag-imprenta ng weekly newspaper at ito ay alinsunod sa batas at kumpleto sila ng mga kaukulang dokumento para dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here