LUNGSOD NG CAGAYAN DE ORO – Hihilingin ng Philippine Press Institute (PPI) sa Commission on Elections (Comelec) na mabigyan sila ng kopya ng election returns sa darating na halalan.
Ito ay bilang paghahanda sa 2010 automated elections kung saan ay binuo na rin ang plano para sa voters education, akreditasyon at kaligtasan ng mga mamamahayag.
Bilang samahan ng mga pahayagan sa bansa, tinanggap ng PPI ang dalawang pahinang panukala na binuo ng mga mamamahayag matapos ang tatlong araw na workshop na isinagawa sa lungsod na ito mula Oktubre 19 hanggang 21.
Ayon sa panukala, hihilingin ng PPI sa Comelec na mabigyan sila at mga kasaping pahayagan ng kopya ng election returns sa isasagawang maka-saysayanng halalan sa susunod na taon.
Batay sa Republic Act 9369, 30 kopya ng election returns ang ipamamahagi ng Comelec matapos ang May 10, 2010 elections sa mga partido, accredited citizen’s arm at maging sa mga broadcast at print media.
Ngunit batay rin sa nasabing batas, tinukoy lamang na media entity ay ang Kapisanan ng Broadcasters sa Pilipinas (KBP)
Ayon kay Jose Pavia, ang executive director ng PPI, hihilingin nila sa Comelec na ibigay sa PPI ang isa sa tatlong kopya ng election returns na ipapamahagi sa mga local media entities upang magamit ito sa pag-uulat ng mga kasaping pahayagan sa buong bansa.
“We will also request the Comelec to consider the PPI website as one of the mirror websites where the results will be posted,” aniya.
Ngunit kung hindi naman pumayag ang Comelec, plano ng PPI na makipag-ugnayan sa KBP upang makabahagi sa election results.
Patungkol sa voters’ education, sinabi ng PPI na bubuo sila ng information campaign sa pamamagitan ng kanilang website, na magagamit din ng kanilang mga kasaping pahayagan.
Upang matugunan naman ang pangangailangan ng mga kabataang botante, maging ng mga overseas Filipino workers (OFWs), ipinapayo ng PPI sa kanilang mga kasaping pahayagan na bumuo ng sariling account sa mga social networking sites tulad ng Facebook, at Twitter.
Kaugnay nito, sinabi ni Pavia na magsasagawa sila ng isang pagsasanay sa mga mamamamhayag sa Disyembre hinggil sa paggamit ng mga social networking sites.
Hinggil naman sa kaligtasan ng mga mamamahayag, sinabi ni Pavia na bubuo sila ng isang hotline na maaaring tawagan ng mga mamamahayag na pinagbabantaan.
“We remind PPI members not to take any threat lightly: Any and all threats should be reported immediately,” aniya.
Iginiit pa ni Pavia na hihikayatin nila ang mga kasaping pahayagan na magbigay ng health at accident insurance sa mga mamamahayag sa panahon ng halalan.
Sinabi pa niya na plano rin ng PPI na magsagawa ng dayalogo kasama ang militar, pulisya, at Comelec hinggil sa kaayusan at katahimikan.
Hihikayatin din ng PPI ang mga kasaping pahayagan na magsagawa ng mga konsultasyon sa mga pamayanang kanilang pinaglilingkuran hinggil sa parating na halalan.