GUIMBA, Nueva Ecija – Isang kongresista mula sa Nueva Ecija ang naghain ng resolusyon sa House of Representatives upang imbesitigahan ang kontrobersiya hinggil sa pagkabansot at wala sa panahong pamumulaklak ng SL-8 hybrid na palay.
Ayon kay Rep. Eduardo Nonato Joson (Balane, 1st district), isinampa niya ang House Resolution 966 upang busisiin ang suliranin na naging dahilan ng sobrang gastos ng daan daang magsasaka sa Nueva Ecija.
Posible, ayon kay Joson, na managot ang Department of Agriculture (DA) at ang supplier ng binhi na Agritech, kung mapapatunayang alam ng mga ito ang depekto ng binhi bago pa man maibenta sa mga magsasaka.
Tinatayang may 31,000 na 20-kilogramong sako ng SL-8 ang nai-deliver sa Nueva Ecija para sa kasalakuyang taniman. Ang bawat 20-kg sako ay binayaran ng DA ng P4,000 sa Agritech at ibinenta sa mga magsasaka sa halagang P2,500.
Isang sako ng binhi ang kailangan ara sa isang ektaryang bukid, ayon kay Serafin Santos, provincial agriculturist.
“There is a need to determine the quality of the hybrid seeds being imported or produced locally for use of Filipino farmers, thus, preventing scams and unscrupulous traders from taking advantage of the farmers, which ultimately affect rice production and the food security of the country,” ani Joson.
Dahil sa wala sa depekto ng binhi, ani Joson, napilitan ang mga magsasaka na patayin na lamang ang kanilang SL-8 na pananim at taniman ng bagong binhi. Nagdulot ito ng dagdag na gastos sa mga magsasaka, dagdag niya.
Posible umanong bumagsak sa economic sabotage o swindling ang kakaharaping kaso ng DA at supplier kung una pa man ay batid na nila ang depekto. Ngunit kung hindi man, sabi pa ni Joson, kailangang palitan ang ginastos ng mga magsasaka sa kanilang muling pagtatanim.
“Because of these, our farmers are forced to uproot the hybrid plants for replanting, thus, spending more on seeds and causing undue expense and trouble for our farmers who are already neck deep in debts,” sabi niya.
Samantala, iginagalang ng mga opisyal ng DA sa Gitnang Luzon ang hakbang ni Joson.
“That is his prerogative,” sabi ni Eduardo Gonzales, assistant regional director ng DA sa rehiyon.
Aniya, tuloy-tuloy ang kanilang pagmo-monitor sa sitwasyon at naniniwala silang ang ani ang sasagot sa lahat ng pangamba ng mga magsasaka.
Kamakailan ay naguna si Gonzales sa personal na pagmo-monitor sa mga tanim na SL-8 sa iba’t ibang bayan sa Nueva Ecija, lalo na sa San Isidro at Zaragoza.
Nakita naman ng ilang grupo na binuo para sa pagmo-monitor ang pagrekober umano ng maraming pananim.