Home Headlines Kontrata para sa libreng WiFi sa mga unibersidad, ospital sa Pampanga, Tarlac...

Kontrata para sa libreng WiFi sa mga unibersidad, ospital sa Pampanga, Tarlac nilagdaan

672
0
SHARE

Paglagda sa kontrata nina regional director Reynaldo Sy ng DICT Luzon Cluster 2, proponent officer Daniel Dizon, COO Jesus Romero ng Converge, at Alan Smyth, head wholesale and enterprise sales ng Coverge sa kasunduan. Kuha ni Rommel Ramos


LUNGSOD NG MALOLOS — Nilagdaan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) at Converge ICT Solutions Inc. ang kontrata para sa pagbibigay ng libreng WiFi sa mga state universities at ospital sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac sa Gitnang Luzon.

Pinangunahan nina Reynaldo Sy, regional director Luzon Cluster 2 ng DICT, Daniel Dizon, proponent officer ng DICT, Jesus Romero, COO ng Converge, at Alan Smyth, head wholesale and enterprise sales ng Converge ang paglagda sa kontrata.

Ayon kay Sy, prayoridad sa nasabing kontrata na malagyan ng libreng WiFi ang mga state universities at public hospitals sa dalawang nabanggit na lalawigan sa lalong madaling panahon.

Aniya, inaasahan nila na sa pagsisimula ng school year 2020-2021 sa Hunyo ay magagamit na ang free internet connection na ito partikular ng mga estudyante.

Bukod dito sa mga eskwelahan at pagamutan ay target din ng DICT na maglagay ng libreng WiFi sa mga munisipyo.

Batay sa kasunduan, 57 sites ang itatayo dito na may bandwidth per site na 10Mbps at binibigyan ang nanalong service provider ng 60 araw para ito maipatupad.

Ayon pa sa DICT, ang kontratang nilagdaan ay tatagal lamang ng isang taon at muling isasailalim sa public bidding.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here