Home Headlines Konstruksyon ng San Rafael Flyover, sinimulan na

Konstruksyon ng San Rafael Flyover, sinimulan na

1034
0
SHARE

Nasa kasagsagan na ang pagtatayo ng San Rafael Flyover sa crossing ng Plaridel Arterial Bypass Road at ng Kalsadang bago road sa bayan ng San Rafael. Ito na ang panglimang flyover sa Bulacan na inaasahang matatapos sa huling bahagi ng 2022. (Shane F. Velasco/PIA 3)


 

SAN RAFAEL, Bulacan — Isa-isa nang itinatayo ang mga poste para sa magiging San Rafael Flyover na tumatawid sa crossing ng Plaridel Arterial Bypass Road at sa Kalsadang Bago Road.

Ayon kay Department of Public Works and Highways Regional Director Roseller Tolentino, ito na ang pangalawang flyover sa kahabaan ng Plaridel Arterial Bypass Road.

Ang una ay ang Bustos Flyover na naitayo na ang northbound lanes sa crossing ng Plaridel Arterial Bypass Road at General Alejo Santos Highway.

Kapag natapos ang San Rafael Flyover sa huling bahagi ng 2022, magiging ligtas na ang pagtawid ng mga sasakyan na dumadaan sa Kalsadang Bago road sa Plaridel Arterial Bypass nang hindi nagkakaroon ng masikip na daloy ng trapiko.

My halagang 768.5 milyonh piso ang proyekto na pinondohan ng Official Development Assistance ng Japan International Cooperation Agency.

Kasamang gugugulan ng pondo ang konstruksiyon ng mga service roads sa magkabilang gilid ng itinatayong flyover.

Piniling pagtayuan ng flyover ang crossing ng Plaridel Arterial Bypass Road at Kalsadang Bago road dahil isa ito sa may pinakamataas na bilang ng mga sasakyan na dumadaan.

Ang Kalsadang Bago road ay nakakabit sa Viola Highway na nagsisilbing daan patungo sa silangang bahagi ng San Rafael at kalapit na bayan ng Angat habang ito rin ang daan papunta sa bagong munisipyo na nasa gilid ng Daang Maharlika.

Ito na ang panglimang flyover sa Bulacan mula nang simulan ang konstruksiyon ng Bustos Flyover noong 2019, Bocaue Flyover noong 2006, Malolos Flyover noong 2004 at Baliwag Flyover noong 2003. (CLJD/SFV-PIA 3)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here