Home Headlines Konstruksyon ng MRT-7 nasa 65 percent na

Konstruksyon ng MRT-7 nasa 65 percent na

674
0
SHARE
Bahagi ng mga dumating na tren para sa MRT-7. Contributed photo

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE — Umakyat na sa 65 porsyento ang progress rate ng konstruksyon ng MRT-7 na tatakbo mula sa lungsod na ito hanggang sa
bubuksang Unified Grand Central Terminal sa EDSA-North Avenue sa lungsod ng Quezon.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan, bunsod ito ng pagsisimula ng pagtatayo ng depot o magiging garahe ng mga tren. Anim na train sets na ang dumating sa bansa na ngayo’y pansamantalang nakagarahe sa isang bahagi ng 22-kilometro ng railway tracks. Bahagi ito ng kabuuang 36 train sets na may tig-tatlong bagon na magkakadugtong na ginawa sa South Korea.

Sa bagong target na full operation sa taong 2023, sa Unified Grand Central Terminal literal na masasalubong ng mga tren ng MRT-7 ang mga tren ng MRT-3 na katatapos lang isailalim sa rehabilitasyon at ang LRT-1 na pinapahaba hanggang sa Cavite.

Hindi lamang magiging madali para sa mga Bulakenyo na lumuwas sa Quezon City mula sa silangang bahagi ng Bulacan, kundi maging ang pagbiyahe patungo sa iba pang bahagi ng Metro Manila at Katimugang Luzon.

Kayang maglulan ang mga tren ng MRT-7 ng 300-850 libong mga pasahero kada araw. Higit na mapapabilis ang biyahe mula Lungsod ng San Jose Del Monte
hanggang sa Lungsod ng Quezon mula sa ngayo’y dalawang oras na magiging 30 hanggang 35 na minuto. Nagkakahalaga ang proyektong ito ng P77 bilyon na isinakatuparan noong taong 2017. — PIA-3

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here