Home Headlines Knights of Columbus nagpugay kay Bonifacio

Knights of Columbus nagpugay kay Bonifacio

539
0
SHARE
Pagpupugay ng Knights of Columbus Archbishop Gabriel M. Reyes Assembly, Nueva Ecija sa ika-159 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio. Contributed photo

LUNGSOD NG CABANATUAN – Nanawagan ang isang malaking samahan ng mga kalalakihan sa sambayanan na isabuhay ang kabayanihan at pag-ibig sa bayan ni Gat Andres Bonifacio nitong Miyerkules.

Ang Archbishop Gabriel M. Reyes Assembly ng Knights of Columbus sa Nueva Ecija, kasabay ng pag-aalay ng bulaklak at respeto sa ika-159 taon ng kapanganakan ni Bonifacio, ay nagpahayag ng paniniwala na ang pagiging tapat sa bayan ay magdudulot ng kaayusan sa bansa.

“Ang kabayanihan at pag-ibig sa bayan ni Gat Andres Bonifacio ay marapat na mamayani sa ating mga puso kahit sa panahong ito ng kapayapaan,” saad ni dating Faithful Navigator Arturo Combe na kilalang negosyante sa lungsod na ito.

Si Combe na gumanap bilang guest of honor at speaker ay kasama nina FN Alfredo Atraje, mga dating FN Rolando Sta. Maria at Joey Gonzaga at ibang pang opisyal ng asembliya sa wreath-laying ceremony na ginanap sa Freedom Park sa lungsod na ito.

Sa programa ay ginunita ang naging buhay, lalo na ang pagtatatag at pamumuno ni Bonifacio bilang Supremo ng Kataas-taasan, Kagalang-galang Katipunan ng mga anak ng bayan (KKK), ang kilusang panghimasikan para sa kalayaan mula sa pananakop ng mga Kastila.

Naniniwala ang organisasyon na ang pag-ibig sa bayan ay pagmamahal sa kabayapaan na susi sa kaunlaran.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here