PILAR, Bataan — Nag-alay ng bulaklak ang 10 kinatawan mula sa iba’t ibang bansa sa Dambana ng Kagitingan ng makasaysayang Mount Samat dito noong Hulyo 11.
Ang nagpugay sa mga bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay mga delegado ng 10 bansa na mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nation.
Ang ASEAN ay binubuo ng Brunei Darusalam, Kingdom of Cambodia, Republic of Indonesia, Lao People’s Democratic Republic, Malaysia, Republic of the Union of Myanmar, Republic of Singapore, Thailand, Socialist Republic of Vietnam, at Philippines.
Sinalubong sila nina Gov. Jose Enrique Garcia 3rd at Pilar Mayor Carlos Pizarro, Jr., ganoon din ng nga kasapi ng Veterans Federation of the Philippines na sumaksi sa seremonya.
Ang pagbisita sa Mount Samat at pag-aalay ng bulaklak ay bahagi ng isasagawang 35th Executive Board Meeting at 22nd General Assembly ng Veterans Confederation of ASEAN Countries.