Kinakain daw ng ‘anay’??? Puwet ni Selina Sevilla nabubulok

    448
    0
    SHARE

    Nag-text sa amin si Selina Sevilla kung nabasa na raw namin yung headline sa isang showbiz tabloid tungkol sa kanya. Sa true, talagang nabasa nga namin yung istorya tungkol sa nabubulok na gel na ipinaturok niya sa kanyang puwitan.

    When we said yes, agad pang nag-text ulit si Selina and this is what si text to us: Update kita…gusto kong maging aware ang lahat sa ginawa ng duktor na yan, sana suportahan pa ako ng media para may awareness sa ginawa ng duktor na yan na negative na dulot ng pagparetoke.

    Twelve years ago, nagpa-enchance nga si Selina ng kanyang umboksa puwitan para daw sumeksi siya. After two years, nagkaroon ng masamang epekto. Sumakit, ito, minsan naninigas at sobrang kati hanggang sa dumating ang panahong alam niyang meron ng diperensya. "Parang kinaakain ng anay ang puwit ko," sabi pa ni Selina.

    Noong una raw, nahihiya siya pero nang hindi na siya makatiis, ikinunsulta na niya ito.

    Hindi pa malinaw kung ano’ng hakbang na gagawin niya pero maliwa na gusto niyang kasuhan yung duktor na gumawa sa kanya. Nangangailangan daw siya ng suporta upang mabigyan siya ng katarungan. Una nga, wala naman daw siyang perang pantustos sa gamutan.

    By the way, kaunti lang siguro ang nakaaalam

    na years ago, nagtayo rin ng enhacnement clinic si Selina Bulacan. Sa linya rin siya ng mga ganitong procedures pero sabi ni Selina, nagsara na siya.

    Puwede kayang kapartner niya sa negosyo yung duktor na gumawa sa kanya?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here