“Hindi madali ’yung ginawa ni Rhian. Babae siya at first time niya itong ginawa, ’yung daring scenes namin, kaya bilib talaga ako sa kanya,” sambit pa ni Piolo.
“Wala siyang kaarte-arte sa katawan. Nu’ng pumayag siya to do some scenes na magre-require na magpakita siya ng flesh, game siya. Walang arte. Hindi ’yon naging problema sa amin,” kuwento pa ng aktor.
Humanga rin ang mga unang nakapanood sa tapang na ipinakita ni Rhian sa ilang daring scenes niya with Piolo.
Dahil sa karakter na ginagampanan ng aktres, may mga pagkakataong mas agressive pa siya kay Piolo lalo na kapag may love scene sila. Pero medyo deceiving ang karakter ni Rhian sa Silong kaya tiyak na magugulat ang moviegoers kapag napanood ang ending ng pelikula.
During the special screening, hindi pa alam ni Piolo kung kailan magkakaroon ng theatrical exhibition ang pelikula which he also co-produce with some friends.
Mabuti na lang at ire-release na ito ng Star Cinema sa Sept. 16, at least, may chance na mapanood ito sa magagandang sinehan.