Kim Rodriguez, Kiko Estrada nasarapan sa eksenang halikan

    829
    0
    SHARE
    Wala pa ring napalang direktang sagot ang press sa tunay na relasyon nina Kim Rodriguez at Kiko Estrada.

    Siyempre, dahil three times a week silang magsasama sa taping ng MMS, magiging guward’yado ni Kiko si Kim, huh!

    “Ako, trabaho lang nang trabaho. Siyempre, masaya ako na magkasama kami nang halos arawaraw.

    Siyempre, hindi lang dahil sa kanya kaya masaya ako. Makakasama ko ang ibang cast pati si Direk Neal del Rosario,” sey ni Kim.

    Payag naman si Kim kung sakaling magkaroon sila ng kissing scene ni Kiko sa MMS.

    “Trabaho lang naman po para sa akin. Kung para mapaganda ang istorya,” saad niya.

    Nahalikan na ba siya ni Kiko?

    “Nangyari ’yon sa indie film na Chasing Boulevards,” sabi ng young actress.

    Hindi na nasagot ni Kim kung ano ang feeling niya nang halikan siya ni Kiko. Pero sumagot si Kiko ng, “It was magical!”

    Na-disappoint lang daw sila dahil hindi naipalabas sa SM Cinemas ang indie movie.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here