NAGMARKA NANG husto sa entertainment press ang sagot ni Kim Chiu nang tanungin siya tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Xian Lim sa presscon ng Bride for Rent, first movie ng magka-loveteam for 2014.
Ang eksaktong sinabi ng kolumnistang si Aster Amoyo ay ito: “We want an honest answer. Kasi, nauumay na rin kami minsan. Palagi kaming nabibitin. May tinatanong kami, kung anu-anong pasikut-sikot ang isinasagot sa amin.
“And this time, we want an honest answer. Nasaang level na kayo ng inyong relasyon at kayo na ba, kung saka-sakali? Kasi it’s just naman a ‘no’ or ‘yes,’ eh. So, we will respect kung ano ang magiging sagot n’yo.”
At ito naman ang sagot ni Kim: “Ako, ano, sinagot na rin namin ’to sa last presscon naming dalawa. We don’t owe you any of our personal lives siguro.
“Kasi, you can think naman whatever you want to think, as long as you’re happy when you watch us on TV.
Nakikita n’yo kung paano kami ma-in-love, ganyan. ’Yun na ’yun. “And lahat naman tayo, meron tayong mga hindi dapat i-share or dapat i-share. It’s our choice. And I hope you guys respect it.”
Sinuportahan naman ni Xian ang sagot na ito ni Kim. “In time naman po, malalaman po ng lahat kung ano po ’yung status or kung anuman po ang gustong malaman nila. Pero I don’t think this is the time (or) this is the perfect time para magsalita kung anuman po ’yung nangyayari.
“Pero in time, we won’t be selfi sh about it. We will be more than happy to share it with you, guys,” pahayag ni Xian. Okey ang sagot ng aktor pero marami ang nag-react sa statement ni Kim for using the word “we don’t owe you any or of our personal lives.”
Masyado naman daw kasing matapang ang ginamit niyang salita while puwede naman niyang sagutin in a nice way like “ayoko po munang magsalita” or “no comment po muna.” Maging si Manay Ethel Ramos, nag-dialogue ng “parang showbiz na showbiz ang sagot” and even said na bakit kapag malulungkot na bagay ay isine-share raw ni Kim sa public.
Anyway, sinegundahan ni katotong Ogie Diaz ang sinabi ni Manay Ethel at sinabing hindi raw ba maise-share ni Kim ang mga masasayang moment sa buhay ng young actress? “Hindi naman po lahat ng malulungkot, shinare ko. Siyempre, may masasaya, ’yung mga mataas ang ratings ng soap, blockbuster, nakakuha ako ng best actress award, marami rin naman po akong shinare.
“Hindi naman po ’yun press release. Siyempre, sine-share ko ’yun kasi utang ko rin naman ’yung lahat ng success ko sa mga tao. Kayo, utang ko rin sa inyo kung anuman ’yung narating ko ngayon. Siyempre, sa mga tao rin.
“Saka ’yung buhay ko, simula nung lumabas ako sa TV, open book na siya, eh. Kasi nagsimula ako sa Pinoy Big Brother. Alam ninyo kung saan ako nanggaling. “And I have also respect for myself. And may mga bagay na gusto akong i-share sa inyo and may mga bagay na gusto ko, sana, sa akin lang. Kasi, minsan lang ’yun, eh.”
Mas okay sana kung itong huling sagot ni Kim ang kanyang sinabi agad, mas understandable pa kesa ’yung nauna niyang strong statement. Sa bandang huli, nag-sorry naman siya sa kanyang ginamit na term, pero may mga naoffend na, partikular na nga si Tita Aster mismo, na balitang nag-walk-out pa sa presscon.
Well, ang masasabi lang namin, mali lang talaga ang ginamit na mga salita ni Kim. Of course, hindi naman siya pipilitin kung ayaw niyang umamin sa tunay na estado ng relasyon nila ni Xian, pero sana, maintindihan niya rin na interesado talaga ang mga tao sa public and personal lives nilang mga artista’t hindi puwedeng hindi sila matanong talaga tungkol sa kanilang personal na buhay.
As of presstime, humingi na raw ng apology si Kim sa press dahil hindi rin siya nakatulog sa naging eksena sa presscon. Dinenay din ng batang aktres na may nag-walk-out na writer that night.
Anyway, opening salvo ng Star Cinema for 2014 ang Bride for Rent na showing na sa Jan 15 mula sa direksyon ni Mae Czarina Cruz. Cute ang trailer ng movie at bagay na bagay kay Kim ang kanyang role.
Kasama rin sa pelikula sina Matt Evans, Dennis Padilla, Empoy, Pilita Corrales at marami pang iba.