Home Headlines Kilos protesta ng ilang estudyante vs. jeepney modernization

Kilos protesta ng ilang estudyante vs. jeepney modernization

1011
0
SHARE
Ang kilos protesta ng ilang estudyante ng BulSu. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang mga estudyante ng Bulacan State University na tutol sa jeepney modernization program.

Hawak ang mga placards ay naglakad sa MacArthur Highway at nagtungo din sa mini-forest ng Bulacan Capitol Compound ang mga kabataang ito.

Ayon kay Althea Jana Trinidad, senator ng student government ng BulSu, tutol sila sa jeepney modernization dahil dagdag pasanin sa mga estudyante ang dagdag pasahe sa bagong jeep.

Tiyak anila na magtataas ang mga pamasahe at hindi din sasapat ang bilang ng mga bagong jeep sa bilang ng mga mananakay.

Hindi rin anila napapanahon ang pagsusulong nito dahil maraming usapin sa ekonomiya na dapat munang ayusin sa bansa.

Bukod doon ay mahal din aniya ang presyo ng bagong mga jeepney at mahihirapan ang mga tsuper sa pagbabayad nito.

Ayon pa kay Trinidad, magtutungo sila sa mga jeepney terminal para makipagkonsultasyon sa mga jeepney drivers para alamin ang kalalagayan ng mga ito sa ipapatupad na jeepney modernization.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here