Home Opinion ‘Kiko unwanted law is set to ax’

‘Kiko unwanted law is set to ax’

609
0
SHARE

KUNG umani ng di mabilang na pintas
si Sotto sa kanyang panukalang batas,
na palitan ang ‘last line’ o pangungusap
ng Pambansang Awit nitong Pilipinas.

Ibang batas naman ang napagtuunan
n’yan ng pansin upang ang inis ng bayan
laban sa kanya ay ilihis sa isang
batas ni Senador Kiko Pangilinan;

Iyan ang ‘juvenile justice and welfare law,’
na kinakailangang susugan, i-reform
dahil sa ang edad kinse anyos ngayon
kahit makapatay di puedeng ikulong.

Kaya pati na rin itong mas bata pa
sa kinse, pababa ay ginagamit na
ng mga kriminal sa gawain nila
pagkat ni hindi nga puedeng idimanda.

Kundi bagkus ay sa DSWD
ang hantungan lang ng mga salbahe;
At kung saan labas-masok lang parati
kahit ilang beses pumatay ang dyaske?

Panahon na para ang lintik na batas
ni Kiko ay ating itapon at sukat
sa kakungan, at ang kay Sotto ang dapat
pagkaisahan ng mga mambabatas.

Nang sa gayon itong sa lipunan salot,
na kagaya nitong mula kinse anyos
pababa ay di na magamit ng bugok
na nakararaming masasamang-loob.

Sana naman itong ating magagaling
na mga Solons ay papanatilihing
sa ikabubuti at ikagagaling
ng sambayanan ang kanilang isipin

At di nang dahil sa kakampi ay agad
silang pipirma sa panukalang batas
nang di man lang binasa ang nasasaad
sa inihain ng kapwa mambabatas.

Upang sa gayon ay di na mapabilang
sa katulad ng kay Kiko Pangilinan,
na walang binatbat at tunay din namang
ang nag-’benefit’ ay mga kriminal lang.

Kaya sa puntong ‘yan marapat purihin
si Tito Sotto sa banal na naising
itong Republic Act 9344 hinggil
sa ‘juvenile delinquency’ ay baguhin

Pagkat di na akma sa panahong ito,
na ang kabataang protektado nito,
kinakasangkapan na ng mga lilo
sa gawang ang nasa likod ay demonyo.

At kung saan ay dapat nating iiwas
ang kabataan sa matinik na landas,
gawa ng di angkop at palpak na batas
ni Kiko, na siyang otor n’yan at lahat.

Na maglalagay sa mga kabataan
sa panganib at sa grabeng kalalagyan
kapag hindi natin sila naagapan
na mailayo sa ganyang kinagisnan.

Itonng ika nga ni Dr. Jose Rizal,
kabataan ang siyang ‘Pag-asa ng Bayan’
sa araw ng bukas – pero lulong ‘yan
at adik sa droga’ – anong maasahan?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here