Keanna Reeves versus K Brosas

    330
    0
    SHARE
    Heto na, maraming idinamay na tao si Keanna Reeves sa rebelasyon niyang limang bagets ang naakrelasyo niya.


    To make the matter worse, idinamay pa ni Keanna ang dating manager na si Boy Abunda na kesyo kasabwat niya ito. Lumabas na parang binugawan pa ni Keanna si Boy Abunda.

    But of course, Boy said his piece. Nagsalita na siya and even berated Keanna sa mga pagsatsat nito. Sa tingin ni boy, dapat na nanahimik si Kenna at dahil hindi tama na para lang maging kontrobersyal at pag-usapan ka, kailangan mo ang magsalita ng kung anik anik na maraming tao ang makukumpromiso.

    Dito nga nag-react si K Brosas na isa ring alaga ni Kuya Boy.

    Sabi ni K, kaibigan din niya si Keanna kaya nasasaktan siya para kay Boy.

    K is also under Backroom, Inc. ni Kuya Boy at dati silang magkasama ni Keanna sa kwadra ng nasabing talent manage/TV host.

    Pero ngayon ay iba na ang manager ni Keanna at nakarating kay K na may sinasabi itong hindi maganda kay Kuya Boy.

    “Nung nabasa ko ’yun, tinawagan ko si Sir Boy, naramdaman ko na-hurt siya. Hindi magre-react  ’yan, eh, hindi ’yan magagalit, so na-hurt din ako for him.

    “Kasi, somehow, connected ako, eh, kasi sa akin nakilala ni Sir Boy si Keanna. Through my concert, du’n siya na-discover, tapos tinulungan namin. So, kung hindi dahil sa concert ko, hindi niya makikilala si Sir Boy. So somehow, naging bridge ako.

    “Ang sa akin lang is, andiyan ka na, bakit mo sinayang? Nagsalita pa siya nang ganu’n na pinabayaan siya ng Backroom which, nasaktan ako dahil ano ba, hindi ka naman pinabayaan. Lahat ng pagtitiis, ginawa na ng buong staff ng Backroom, pinagtanggol siya to the max, alam nating lahat ‘yan, pinabayaan mo ang sarili mo. Aminado naman yata siya, eh.

    “Nakakaloka lang na bakit mo kailangang sabihin na pinabayaan ka kung aminado ka naman na ikaw ang pasaway. Saka bakit nagsalita ka pa tungkol sa mga naka-sex mo na alam daw ni Sir Boy.

    Anyway, kung si Keanna ay nagsasabing pinabayaan siya ng Backroom, si K naman ay namumunini sa projects ngayon. Bukod sa gabi-gabi siyang napapanood sa Idol with Sarah Geronimo, Sam Milby, Coco Martin, Zsa Zsa Padilla and Agot Isidro, abala rin siya sa paghahanda sa kanyang solo concert na gaganapin sa Music Museum on November 12.

    Titled K/Pak: The Wapak  Concert, guests ni K sina Pooh, John Avila and Copycats.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here