Kean Cipriano ng Callalily, di mayabang; nakatuntong sa lupa

    535
    0
    SHARE

    KAHIT sikat na sikat na at may solo career na, never daw na iniisip ni Kean Cipriano na iwan ang kanyang bandang Callalily. Para sa singer who’s also a part-time actor, dahil sa bandang ito kaya siya nakilala sa showbiz kaya hindi niya raw kayang talikuran.

    Nakabibilib nga si Kean dahil sa poster ng show nila on Nov. 17 sa Zirkoh Bar, Tomas Morato, ay gusto naming ilagay ang name niya as Kean Cipriano of Callalily pero tumanggi ang singer.

    Ayon kay Kean, nakahihiya naman raw sa kanyang mga kabanda kung name lang niya ang ilalagay gayung isang buong grupo sila rito.

    Kung iba-iba ‘yun, baka sila pa ang mag-request ng ganu’ng billing, di ba? Because of this, we realized na hindi totoo ang mga bali-balitang nagsi-circulate na kesyo mayabang siya at lumalaki na ang ulo.

    By the way, hinangaan ang  November Best: Taken 2+1, kung saan kasama ng Callalily ang PMPC Star Awards for Music Female Recording Artist of the Year 2012 na si Aiza Seguerra at ang magaling nating stand-up comedian na si Kim Idol with guests, Lemuel Santos, Arthur Pangilinan, Rosimae, LS Band, Vince Suhayon at ang singing reporter na si Alex Datu.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here