Ang latest na kuwento, pagtatambalin naman daw ngayon ng ABS-CBN sina KC Concepcion at Sam Milby.
Bakit, wala na ba silang naiisip na itambal kay KC kungdi si Sam?
Isang bagay nga siguro ang kailangan nating aminin, namimili rin naman ang mga tao ng mga makakatambal ng mga paborito nilang artista. Kung natatandaan ninyo, malakas talaga ang dalawang naunang pelikula ni KC na kung saan ang partner niya ay si Richard Gutierrez. Makikita na kailangan din naman niya ng isang malakas na leading man, at iyong gusto rin ng mga fans para sa kanya, para ibigay nila ang todong suporta nila sa pelikula.
Iyan ang dahilan kung bakit noon ay napilitan din ang ABS-CBN na ipahiram si KC sa GMA Films para sa isang pelikula, dahil kung hindi, hindi rin naman nila mahihiram si Richard.
Siguro, iyon ang ayaw na nilang mangyari kaya itinatambal na lang si KC sa kung sinu-sinong artista ng Kapamilya Network. Bukod dito, naniniwala silang kung may artistang lalaki nga siguro na kailangang hilahin paitaas ng popularidad ni KC, dapat stars na ng Dos ‘yon.
Pero ang tanong, okey kaya iyan sa career ni KC?
Ngayon, yan ang sinasabi naming problema.
Ang managers kasi ng career ni KC a ngayon ay ang Star Magic, na siyang management arm din ng ABS-CBN. Natural, kung ano ang desisyon ng mga taga-ABS-CBN, hindi naman makakakontra ang Star Magic.
Sa ganyang sitwasyon, natural lang siguro na ang interest ng kumpanya ang siyang mangingibabaw sa kanilang desisyon, hindi kagaya noong araw na may manager pa siyang taga-labas na masasabi ngang mas naaalagaan ang kanyang career.