KC Concepcion sinungaling na rin?

    350
    0
    SHARE
    Sira na rin ba ang diskarte ni KC Concepcion.  Sinungaling na rin ba siya? Pinasukan na rin ba siya ng hangin kaya nawala na yung pagiging totoo niya gaya ng dati?

    Nag-e-emote ang isang kapatid sa panulat sa kasinungalingan niya sa The Buzz.

    Narito ang pahayag ng reporter:

    Nakakaloka ang naging pahayag ni KC Concepcion sa The Buzz last Sunday tungkol sa panayam namin sa kanya  hinggil sa sinabi ni Zaijan Jaranilla na dumalaw siya kay Piolo Pascual sa taping ng Noah.

    Na-interview si KC two Sundays ago sa backstage ng The Buzz at itinanggi niya ang sinabi ni Zaijan na dumalaw siya sa taping ng Noah.

    Ang sabi niya last Sunday sa The Buzz, pini-pressure daw siya na sabihin ang gusto naming marinig.

    Hindi namin alam kung may amnesia si KC o talaga lang ugali niyang ibahin ang kuwento kapag naiipit.

    Kelan siya pinilit, aber? At bakit naman gagawin ’yun in the first place? Kung ayaw niyang magsalita, wala naman kaming magagawa. Ang kaso, nagsalita siya.

    Tandang-tanda pa namin ang senaryo nung time na nakausap namin siya two Sundays ago. Nasa backstage kami nina Pilarsky, Regee, Melba and Mylene na staff ng The Buzz nang lumapit ang young actress. Naglalambing niyang sinabi na naplantsa raw ang likod niya or what.

    Dahil kausap na namin siya, tinanong ni Regee kung totoo bang dumalaw siya sa set ng Noah at ang sagot niya ay hindi raw totoo ’yun. Nagsimula na kaming magtanong pati na ang ibang kasama kung bakit sinabi ni Zaijan ’yun kung hindi totoo.

    Sumagot naman siya at aniya, tanungin daw namin ulit si Zaijan, never daw siyang dumalaw at kung pupunta raw siya, sa unit ni Direk Malou Sevilla, hindi sa unit ni Direk Lino Cayetano.

    May dialogue rin siya na baka raw nagha-hallucinate si Zaijian. ’Yun ba namang statement na ’yun, masasabi niyang pinilit namin siya? Wala naman kaming  question sa kanya kung nagha-hallucinate si Zaijan at basta na lang niya sinabi.

    Kaya paano niya nasabi na pini-pressure namin siya na sabihin ang gusto naming marinig?

    Nakakaloka siya, huh!

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here