KC Concepcion lumabas ang pagiging mabuting tao sa Lovers In Paris

    338
    0
    SHARE
    Matagal na ang publicity blitz ng Lovers In Paris. Mula pa sa inception nito  at lalabas ngang bilang mga bida sina Piolo Pascual at KC Concepcion, hindi na tumigil yung pagli-link sa kanilang dalawa. Bagay na biglang iniliko nga ngayon nina KC at Piolo.

    Sa grand presscon ng Lovers In Paris, nagpaliwang si Piolo kung bakit hindi na sila dapat pang i-link ng anak ni Mega. Aniya, saka na lang ‘yun pag-usapan kapag tapos na’ng teleserye. Sa ngayon kasi, lalabas na puro mga insinuation lang ang lahat, mas mabuti raw na kapag tapos na ang series, saka sila magsasalita. “Para naman, hindi kami lalabas na nambobola lang,” ayon pa kay Piolo. “If after the series , kami na, sasabihin naming ang totoo. Kung hindi naman kami, that’s it, makikita ninyo na malinaw ‘yun.”

    So far, ganyan din halos ang sagot ni KC Concepcion

    na tila ayaw rin sa paliko-likong usapan.

    Instead, KC opted top talk about a few things na tila lalong na-enhance ang kanyang pagiging mabuting tao.

    Noon kasi, talaga naman kitang-kita ‘yung pagiging mabuting tao ng anak ni Mega dahil nga sa magandang upbringing nito. She was sheltered and until the day she came out in the open, saka lang natin nalaman ang maraming detalye about her.

    Marami rin ang mga pagkakataong pinagdudahan si KC. Na super plastic nga raw ito pero biglang nawala yun nang ma-invoved si KC sa mga public affairs na may kinalaman sa pagseserbisyo sa tao.

    Anyway, panay ang puri ni direk FM Reyes kay KC at aniya pinabilib siya ni KC nang mag-shooting sila sa Smokey Mountain. Nakita raw niya’ng excitement ni KC while interacting sa environment sa Smokey Mountain at ditto nga lalong lumutang ang pagiging totoo at mabuting tao ni KC Concepcion.  “I was amazed, hindi ko inakalang maa-appreciate niya ang Smokey Moutanin. 

    “Minsan, after the taping, madaling araw na akong nakauwi, nakatanggap ako ng text message mula sa kanya.  Sabi niya, ngayon lang daw niya nakita at nakasalamuha ‘yung mga taong nakatira run. The more daw niya nakita’ng realidad ng buhay. Na napakasuwerte daw pala niya for being sheltered all her growing years gayung may mga taga-Smokey Mountain na nagdaranas ng kahirapan ng buhay. Pinahanga ako ni KC at talagang dun ko nakita kung gaano kabusilak ang kanyang puso,” kuwento pa ni direk tungkol sa kanyang bidang babae sa Lovers In Paris.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here