KC Concepcion dating rebelde

    388
    0
    SHARE
    Daming gimik ng pelikula ng mag-amang Gabby at KC. Gamit na gamit ng I’ll Be there ang mga gimik na kahit na luma ay kinakagat pa rin. Unang pagsasama kasi ng mag-ama at very exciting ngang abangan ito.

    For instance, mukhang gimik lang itong hindi itinatago ni KC Concepcion na dumating siya sa point na nagrebelde dahil sa paghihiwalay ng parents niya ( Sharon Cuneta at Gabby Concepcion).         

    “Opo naman. Of course! Pero ‘yung pagrerebelde ko is more of a curiosity and more of umalis ako at tumira sa ibang bansa, na alam kong hindi masyadong kilala ng mga malalapit sa akin,” pagtatapat  ni Kc sa presscon ng  pelikulang nilang mag-ama, ang I’ll Be There ng Star Cinema na showing on June 16.

     “Ganun po ang pagrerebelde ko, it’s not really ‘yung talagang siraan ng buhay or anything,” sey pa niya.

    “Marami po akong tanong dati pero isa-isa na po siyang nasagot. Kaya siguro ako nahilig sa tula at pag-compose ng kanta. Siguro, eh du’n ko na lang idinadaan. Marami po akong tanong sa mga tula ko pero hanggang du’n lang po ‘yon. Pero may mga time na nag-try ako ng ganito , ng ganyan nu’ng highschool days, ‘yung mga normal na… pero ‘yung siraan ng buhay, wala naman,” dagdag pa niya.

    Kumusta naman ang pagsasama nilang mag-ama sa ‘I’ll Be There’?

    “Ganito po ‘yon, eh. Mahirap pong umarte sa harap ng magulang mo. Minsan, natatakot ako na baka may lumabas na… o baka may ma-develop na…’ oo, bakit nga ba nagkaganu’n?’ Pero natapos naman namin ‘yung pelikula na wala naman. Wala, eh mahusay si Papa na mag-PR. Pili nut lang ang katapat at saka mga chikahan, tawanan, ‘yon!” sabi pa ni KC. 


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here