Napaka-smooth sailing ng ginanap na grand presscon ng Lovers In Paris kailan lang.
Lahat ng kasali sa presscon ay nagpugay na nagbigay pasasalamat sa ABS-CBN na kung susumahin ay tila gusto nilang ihayag ng ‘utang na loob’ dahil nabiyayaan sila ng isang soap ng network.
Pero iba’ng naging sagot ni Assunta who said something like, "in my fourteen years of presence in showbiz, I am proud to say that I never had to beg for a project to people in the industry."
Analyzed, nagyayabang si Assunta na hindi siya nakiusap kanino man sa ABS-CBN para kunin siya sa Lovers In Paris. Kumbaga, feeling ni Assunta, talagang gustung-gusto siya ng network to take her role bilang kontrobida.
Ano ba naman itong si Assunta na tila hinangin ang ulo at nagpi-feeling na malaking artista nga siya.
Fourteen years na raw siya sa industrya. Yes, tama ‘yun pero naramdaman kaya ni assunta na in those fourteen years, ay pitong taon na siyang laos. Na tila hindi na siya pinapandin ng industry na mabigyan man ng role ay so so lang? O baka hindi na matandaan ni Assunta na pitong taon an siyang asawa ng isang kongresista na simula nga nang ma-link siya rito ay nawalan ng ningning ang kanyang career?
O baka naman gusting ipangalandakan ni Assunta na mayaman naman ang kanyang napangasawa kaya hindi niya kailangang magtrabaho pa kailanganin nga ang maliit na talent fee ng para sa isang laos na artistang gaya niya?
May patutsada pa si Assunta na kesyo marami na siyang nagging projects at walang puwedeng sabihing tsaka ang alinman dito.
True?
"Naku sana man lang meron siyang isang pelikula o tv project man lang na puwedeng pumasa sa kumparasyon ng kay Alessandra D’ Rossi na sister niya? In that way, puwde na kaming pumayag na wala ngang tsaka sa sa mga nagawa na niya?
Meron man lang kaya siyang mala-Munting Tinig o Tayong Dalawa na pantapat niyang mga proyekto?
Kung no ang sagot, please lang, tumigil na ang Assunta na ito na halos alien na lang sa showbiz at hindi na kinikilalang mainstream citizen ng local showbiz.
"Ano ba yang Assunta na ’yan, walang galang at di makapagbigay-respeto sa ABS-CBN na puwede naman niyang sabihin ‘yung kahit cliche na salamat sa tulong at suporta ng network sa kanyang career at lagi na lang siyang naaalala ng mga staff dito ‘pag may magandang role para sa kanya.
Madali naming sabihin ‘yun nang hindi naman mababawasan ang kanyang pagkatao.
O baka naman talagang sadyang mahangin si Assunta na kailangan pang ipamarali na ayaw niya sana pero pinilit lang siya ng ABS-CBN?" pangwakas na komento pa ng isang insider sa naturang network.