KAYA NA nga kaya ng hunk singer-actor na si Aljur Abrenica ang mag-hold ng sarili niyang concert?
Ito’y papatunayan ng nobyo ni Kylie Padilla when he holds his fi rst concert at the Music Museum on November 7 na pinamagatang “Come and Get Me” produced ng MJM Productions at hahawakan naman ng PPL Entertainment ni Perry Lansigan ang production (stage direction, etc.)
For sure, present si Kylie sa fi rst attempt ng kanyang boyfriend sa concert scene pero hindi bilang guest performer kundi audience lamang at magbibigay ng moral support. Manood din kaya sa concert ni Aljur ang dad ni Kylie na si Robin Padilla at misis nitong si Mariel Rodriguez at maging ang `tiyahin’ ni Kylie na si Bebe Gandanghari?
Excited si Aljur sa kanyang fi rst concert dahil dito niya maipapakita ang iba niyang talent bukod sa pag-arte.
Magiging special guests ni Aljur ang kanyang ka-loveteam sa “Prinsesa ng Buhay Ko” na si Kris Bernal, Julie Anne San Jose, Rochelle Pangilinan at kapatid niyang si Vin Abrenica. Inaasahan din ang special appearance ng mga magulang ni Aljur na parehong singers.
Bukod sa pagkanta, magpapamalas din si Aljur ng kanyang husay sa pagsayaw at sa gitara.
Kung pagbabasehan ang titulo ng concert ni Aljur na “Come and Get Me,” may pagka-sexy ang dating nito.