Kaya bang ipinta nang nude ni Heart si Senator Chiz?

    414
    0
    SHARE

    DAHIL KARAMIHAN sa mga painting ni Heart Evangelista ay mga babae, natanong namin siya kung kaya niya bang ipinta ang boyfriend na si Sen. Chiz Escudero.

    “Sabi nga nila, kung pini-paint ko raw si senator, but I’m just fond of painting girls. But maybe I’ll work on it. I’ll try,” say niya. Tinanong din namin siya kung keri niyang mag-paint ng nude at kaya naman daw.

    “Marami na rin ako dati, kaya lang marami rin akong paintings na nasunog din, eh, nu’ng nasunog ’yung bahay namin,” say ni Heart. Kaya rin ba niyang i-paint nang nude ang boyfriend?

    “Oh my God, hindi ko lang alam. Pero siguro, parang gusto ko, akin na lang ’yung view na ’yun,” aniya. Sa mga artista natin, ang gusto niyang ipinta ay si Solenn Heussaff. Not necessarily nude, though.

    “I’d love to paint Solenn. I actually have a small painting, kamukha ni Solenn. Ang ganda niya, eh,” say pa ni Heart.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here