Home Opinion Kay Duterte, ‘viral’; sa iba, bale wala lang?

Kay Duterte, ‘viral’; sa iba, bale wala lang?

577
0
SHARE

NAGING ‘viral’ na ang paggawad ng halik
ni Pangulong Digong sa (di niya pinilit na)
‘married lady whom he kissed her lips-to-lips
in South Korea on stage and in public’.

Na umani ng di matingkalang pintas
sa ‘social media’ at sa alta sosyedad,
lalo sa kampo ng di kasanggang ‘Tarat’
ni Duterte, kaya naging ‘viral’ agad.

Sabihin na nating hati ang pananaw
ng masa at nitong grupong pulitikal,
pero nang dahil sa naging ‘sensational’
(ang isyu), may mga nangasagasaan.

At naging mitsa ng lantarang paghamon
ni Kris Aquino kay Asec Mocha Uson
ang pagkumpara niya sa ‘kissing scene’ noon
ng dalawa ring ‘chicks’ kay senador Ninoy.

Anong pagka-iba sa madaling sabi
ng ginawang pag-halik ni Presidente
kung ikumpara sa ginawa rin pati
ng tatay ni Kris sa dalawang babae?

Pinalaki na lang ang bagay na iyan
ng malisyoso at mga di kabagang
ni Duterte kaya humantong sa ganyan,
gayong ya’y di naman mabigat na bagay.

Pasintabi sa ating mga artista,
na may mga ‘kissing scene’ sa pelikula,
kung tutuusin ay walang pagka-iba
ang kay Pangulo kung tutuusin di ba?

Magkapareho lang silang ‘public figure’
bagama’t ang huli na tulad ni Digong
ay Pangulo kaya’t ang ating impresyon
ay di okey para sa isang ‘honorable?’

May mga moral din ang sa ‘showbiz’
di ba at ‘for sake of arts’ nga lamang ang kanila,
kaya nagagawang ang halikan nila
nang animo’y higit pa sa mag-asawa.

Pero sino na r’yan ang pinuna nito
ang ganyan lalo na sa panahong ito?
Ang ‘x-rated’ panooring gustong-gusto
ng iba, lalo’t ang bida’y seksi’t macho

Pero naging paksa ba ng ‘social media’
ang hinggil d’yan ngayong ang tao’y mulat na
sa ganyang kahit ‘in public’ kitang-kita?
Kasi bale-wala na nga ‘yan kumbaga!

At kung mayroon man na di nila tanggap
ang ganyan ay iyong sa mundo di mulat,
na natitira pang mga kamag-anak
ni Maria Clara na laon nang lumipas.

Masasabi pa bang ang katulad ni Kris
ay di pa mulat sa iba’t-ibang gimmick?
Naranasan na niya kapuwa ang daigdig
ng pelikula at maruming ‘politics’.

Maaring hind pa siya kumandidato
kundi ang magulang at kapatid nito,
pero hindi maitatangging piho
ni Kris, na sila rin ay hindi perpekto!

Makabubuti pang magsa-walang-kibo
na lang siya imbes makaragdag lalo
sa isyung sa kanya ay nagpasilakbo,
itong kailan lang ay sumingaw na baho!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here