Kawani ng SBMA-LED tumanggap ng ‘munting handog’ kay Maddela

    433
    0
    SHARE
    SUBIC BAY FREEPORT – Napaaga ang pamasko sa mga kawani ng SBMA Law Enforcement Department (SBMA-LED) matapos na mamahagi si LED Department Manager, Retired General Orlando Maddela, Jr., ng munting handog nito kasabay sa paggunita ng kanyang kaarawan noong Linggo, Nobyembre 14.

    Kabilang sa mga tumanggap ng munting handog ng heneral ang may 76 na pamilya ng mga law enforcers sa may 17 sangay ng Law Enforcement Department.

    Sinabi niya na bagamat ito ay maliit na bagay ay malaking tulong narin para sa bawat pamilya.
    Kabilang sa ipinamigay ay mga noodles, bigas at iba pang mga groceries. Tumanggap din ang bawat pamilya ng isang “bundle” ng bagong damit.

    Hindi naman mabuhat sa bigat ang mga ibinigay na munting handog ng heneral sa bawat pamilya ng Law Enforcement Department.

    Upang maaliw ang mga bata at magulang, todo arangkada ang heneral at sumayaw pa ito kasama ang isang katutubo na taga-barangay Pastulan sa SBMA.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here