Kawalan nga ba ng konsensya?

    486
    0
    SHARE
    Itong kamakailan ay naging pahayag
    Ni Cris Garbo kay Mabalacat city Dad,
    (Marino Morales) na ya’y di na dapat
    Humabol pang muli, umani ng pintas

    Sa sarili mismo niyang pagkatao
    Pagkat para na rin pag-amin ni Garbo,
    Na di niya kayang ibaba sa puesto
    Si Boking, kapagaka pamuling tumakbo?

    Posible ring dahil magkabagang sila
    Kung kaya pabirong kay Mayor nagbadya
    Si BM Garbo ng “sana’y makonsesya”
    Ang isa’t kung puede raw ay siya muna?

    O ipaubaya na ni Mayor Boking
    Kay BM Garbo ang eleksyong darating,
    Kahit si Morales ay ‘qualified’ pa ring
    Tumakbo ‘for Mayor comes year 2016?’

    Hangga’t si Morales walang nilalabag
    Na ruling o ano mang saligang batas,
    Siya’y di natin basta mapigil at sukat
    Ng dahil lamang sa pangsariling hangad

    Na mapalitan si Boking sa puesto niya
    O pigilin siyang huwag nang humabol pa;
    Lalo’t deserving at mahusay talaga
    Sa panunungkulan ang isang tulad niya.

    Sa puntong mahigit nang sisenta umano
    Si Mayor Morales ayon kay Cris Garbo
    Para humabol pa – yan sa palagay ko
    Ay di rason para pigilin siguro

    Ang kahit sinuman lalo’t wala ruling,
    Batas o ano pa mang alintuntunin,
    Na may ‘age limit’ sa ganyan, di maaring
    Pigilin sa pagtakbo si Mayor Boking!

    Ang katuwirang kahit na may legal basis
    For another term si city Dad Morales,
    He should not do so ‘as a matter of conscience,’
    Posibleng si Garbo wala sa matuwid.

    Pero kung talagang ang balak pagtakbo
    Ni BM ay tunay nga pong suportado
    Nina ‘Nanay Baby’ at ‘Tatay’ Rodolfo,
    Ano pa ang dapat ipangamba nito?

    Laban kay Morales o kahit sinuman,
    Pagkat pader itong kanyang sasandalan?
    Maliban na lang sa ang kanyang kabayan
    Ang ayaw kay Garbo kaya magdaraan

    Sa butas ika nga ng karayom si Cris
    Bago maipanalo kay Mayor Morales
    Ang laban sakali’t ang huli ay mag-seek
    Ng reelection at gusto pang umulit.

    Sa puntong ito ang ating masasabi
    At maipapayo kay Garbo’t Halili
    Ay wala ng higit mas makabubuti
    Kundi ang ika nga ay tumatabi-tabi

    Muna sa isang sulok o tumakbo bilang
    Vice Mayor, Board Member o kaya Konsehal,
    At hintayin nilang bumabang tuluyan
    Si Morales bilang city Dad ng lugar.

    Saka na lang nila targetin kumbaga
    Ang ‘seat of office’ ni Boking, kung tapos na
    Itong dalawa pang ‘term’ na natitira;
    Ang 2016 at 2019 pa?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here