Katutubo, dapat sanayin sa automated elections

    360
    0
    SHARE
    CABANATUAN CITY – Kailangang tutukan ngayon ng pamahalaan at iba pang ahensiya ang pagsasanay sa mga katutubo para sa automated elections.

    Ito ang ipinahayag ni Engr. Edward Pineda, provincial officer ng National Commission on Indigenous People (NCIP) na sumasakop sa Nueva Ecija at bayan ng Dingalan, Aurora.

    Sinabi ni Pineda na umaabot sa mahigit 87,000 ang mga katutubong naninirahan sa Nueva Ecija at Dingalan.

    Ang baybaying dagat na bayan ng Dingalan ay nasasakop ng lalawigan ng Aurora ngunit higit na malapit sa Nueva Ecija.

    Ang mga katutubong ito, ayon kay Pineda, ay kinabibilangan ng Igorot, Dumagat, Aetas, Bugkalot, Cancanai at Kalanguya. May 38 tribal leaders na sumasakop sa kanila, ani Pineda.

    Ayon sa opisyal, may 70% ng populasyon ng katutubo sa Nueva Ecija at Dingalan ay aktibong nakikilahok sa eleksiyon. Marami sa kanila ang nagrehistro para sa nalalapit na halalan, ani Pineda.

    Noong 2007 elections, dagdag niya, ay umabot sa 48,000 katutubo ang bumoto.

    Binigyang diin niya na tuloy tuloy ang pagsisikap ng gobyerno na maiangat ang kalagayan ng mga katutubo sa pamamagitan ng mga tulong pangkabuhayan at edukasyon. Gayunman, inamin niya na may ilang pulitiko ang gumagamit sa mga katutubo sa panahon ng eleksiyon.

    Batay sa report, sa Nueva Ecija Ecija ay isang pulitiko na tumatakbo sa pagka-punongbayan ang kumuha sa daan-daang katutubo sa nasasakupan ng kanyang bayan noong 2007 elections. Tatlong araw umanong nasa bakuran ng pulitiko ang mga katutubo hanggang dumating ang mismong araw ng halalan.

    Sa araw ng ahalalan, alas 7:30 ng umaga, ayon sa ulat, ay nakalinya na sa presinto ang mga kinuhang katutubo.

    “Talagang kailangang matulungan sila na matuto pa lalo,” sabi ni Pineda.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here