Katrina nakukulili na sa kakulitan ni Vicki Belo

    388
    0
    SHARE
    Kung bakit nga naman paulit-ulit na lang si Vicki Belo sa pagsabing ganyan at ganito sina Hayden Koh at Katrina Halili. Halatang sobrang nagging bitter ang duktor na ito dahil nga ipinagpalit siya sa mas bata’t sariwang si Katrina Halili ng kanyang boyfriend. Masakit nga naming tanggapin yun kaya ayan, hanggang sa laos at luma na yang isyu, katsang pa rin siya nang katsang. Nagmumukha tuloy na sirang plaka ang Vicki Belo na ito.

    Sa panig ni Katrina, ayaw na niyang bigyang-dignidad ang aniya’y pinaglumaang isyu ng mga reporter.

    Hindi na rin gustong pag-usapan ni Katrina ang pahayag ni Vicki Belo tungkol sa video diumano ng aktres at ni Dr. Hayden Kho. Bagamat si Vicki na mismo ang nagsabi na walang sex video sina Katrina at Hayden, may mga bagong rebelasyon na naman ang doktora kung ano-ano ang mga napag-usapan nina Katrina at Dr. Kho sa napanood niyang mga video.

    “Nasabi ko na po lahat ang gustong sabihin sa isyu, wala na po akong idadagdag. Hindi na rin po ako sasagot kasi para sa akin, tapos na ito. Bakit kailangang ungaktin palagi?”

    Sobrang yabang…

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here