Katrina, may peace of mind na

    385
    0
    SHARE
    HALOS anim na taon na ang nakalipas matapos ang controversial sex video scandal na parehong kinasangkutan noong 2009 nina Dr. Hayden Kho at dating sexy star na si Katrina Halili. Marami na ang nangyari since then at nakapag-move on na pareho ang dalawa maging ang kasintahan ni Dr. Hayden na si Dra. Vicki Belo.

    Si Katrina ay isa sa mga endorser noon ng kanyang Belo Medical Clinic. But everything now is water under the bridge at pare-pareho silang may natutunan sa nangyari.

    Katrina initiated for the reconciliation with Dra. Vicki at Dr. Hayden dahil gusto na rin niyang magkaroon ng peace of mind. Katrina is not expecting na maibabalik pa sa dati ang pagkakaibigan nila nina Dra. Vicki at Dr. Hayden. Ang mahalaga ay nagkaayos na sila at masarap na umano ang kanyang pakiramdam.

    The Starstruck alumnus wants to focus on her career now more than ever. Being a single mom to her 2-1/2 daughter Katie (courtesy of ex-boyfriend Kris Lawrence), she needs to work harder.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here