Miss na miss na pala ni Katrina Halili ang pagiging kontrabida.
Nagkaroon kasi ng image na maldita si Katrina bilang kontrabida sa pagganap niya noon bilang Black Darna sa Darna ni Angel Locsin at bilang si Angelika sa Marimar ni Marian Rivera.
“Nakakatuwa naman kasi kahit maldita at masama ako sa TV, gusto pa rin nila ako. Akala ko kasi before, tatatak sa pagkatao ko ang pagiging kontrabida at isipin nila na gano’n ako in real life. Pero hindi naman pala. Kaya parang feel ko ulit na magkontrabida kasi lovable pa rin daw ako kahit nagtataray ako,” sabi pa ni Katrina.
Matapos ang dalawang matinding kontrbida roles, minabuti ni Katrina na umiwas na muna sa pagganap bilang demonyita.
Dito na nga siya nagbida sa afternoon soap opera ng GMA-7 na Magdusa Ka at naging isa siya sa superheroes sa Gagambino.
“Tulad nga ng sinabi ko, nakaka-miss ang maging kontrabida,” ani Katrina. “Minsan inaakting ko na lang nang mag-isa kasi nga umiwas muna ako sa gano’ng role. Ngayon, parang feel ko na ulit. Pero depende sa project. Kapag malaking project siya na alam ko na panonoorin ng marami, okey sa akin ‘yon.”