Katrina Halili nagbuhos ng sama ng loob sa Senado laban kay Hayden Kho

    944
    0
    SHARE
    Naging sobrang maramdamin ang mga tagpo sa imbestigasyon ng Senado noong isang araw tungkol sa Katrina Halili-Hayden Kho sex video. Kahit na marami ang naniniwalang walang patutungahan ang imbestigasyong ito ng Senado, still, marami ang nakapanood ng imbestigasyon na talaga namang nakita kung gaano katindi ang emosyon ni Katrina during the said ivestigation.

    By the way, wala naman daw talagang narisolba sa iba pang mga inimbestigahan na ng Senado. Hanggang ngayon nga naman, malaya pa rin sina Bolante at iba pang kasangkot sa ibang iskandalonhg pinansyal at korupsyon sa ating gobyerno.

    But as it is, talagang namang spectacle at beholding ang bawat eksena na tinututukan ng maraming manonood.

    “Nagmahal lang ako, pero binaboy niya ako. Ang akala ko doktor siya pero director pala. Wala po akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong-buo ko po na binigay ang puso at kaluluwa ko!” sabi ni Katrina during the hearing.

    Emosyonal si Halili, ngunit buong tapang na inihayag kung gaano siya nagtiwala kay Kho, na bumaboy sa kanyang pagkatao.

    “Opo, artista po ako. Trabaho ko po ang maghatid ng tuwa. Pantasya ng telebisyon at pelikula, pero tulad ng iba, may pribadong buhay din po ako gaya ng lahat.

    “Sa pagkakataon pong ito, dangal ko at dangal ng pamilya ko ang pinag-uusapan dito,” anang sexy star.

    “Minahal ko po si Hayden, bata po ako para isiping ako lang ang nagmamay-ari sa kanya. Pero tulad ng lahat ng relasyong nag-umpisa sa kasinungalingan, wala po itong pinatunguhan,” sabi pa niya.

    Sa kanyang panig, inamin ni Kho na gumagamit siya ng droga. Sabi pa niya, si Halili umano ang nagbigay sa kanya ng droga noon pang Agosto 2007, bagay na pinasinungalingan naman ng batang aktres.

    Giit ni Halili, kahit kailan ay hindi siya gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi rin umano totoo na ‘naglalaro’ lamang sila sa kanilang relasyon dahil nakilala pa mismo ni Kho ang mga magulang at kapatid ni Halili.

    “Ang kapal ng mukha mo!” galit na galit na turan ni Halili kay Kho, na sinundan pa ng “nakakatingin ka pa!”

    Dito’y biglang inawat ni Senador Jamby Madrigal ang dapat sana’y panunumbat ng aktres sa dating kasintahan.

    Ayon pa kay Halili, pinaniwala siya ni Kho na matagal na siyang crush nito. Aniya, ito mismo ang nagsabi na may kopya rin siya ng isang notebook na larawan ni Halili ang nasa cover.

    Doon umano nito isinulat ang pangalan ng mga babaing crush niya: Si Halili at ang Hollywood actress na si Angelina Jolie.

    Inamin naman ni Kho na bata pa siya’y ugali na niyang kunan ng video ang kanyang pakikipagtalik sa iba’t ibang babae.

    Malaking rebelasyon din ang sinabi nitong dahil sa pagbabago sa kanyang pag-uugali dala ng pagdodroga, nagawa niyang traydurin ang isang kaibigan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng affair sa nobya nito.

    Samantala, bago nag-umpisa ang paghaharap nina Kho at Halili, binuhusan ng isang bote ng mineral water ang kontrobersiyal na doktor ni Abner Afuang, dating alkalde ng Pagsanjan, Laguna at ngayo’y kolumnista ng isang tabloid.

    “Kahit ikulong n’yo ako, hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko dahil kulang pa iyon sa ginawa niyang pambababoy sa ating kababaihan,” ani Afuang nang arestuhin ng Senate sergeant-at-arms.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here