“Ayoko na ng boys,” ang paulit-ulit na sinasabi ni Katrina Halili nang makapanayam siya sa story conference ng pelikulang “Child House” ng BG Productions ni Baby Go.
Biniro tuloy siya ng mga movie press na ‘girls’ na raw siguro ngayon ang gusto niya. Seriously speaking, inamin ni Katrina na hiwalay na sila ni Kris Lawrence na ama ng kanyang anak na si Katie.
“Nag-decide lang ako na parang “wait lang, may kailangan muna tayong gawin sa sarili natin”. Siya rin, meron, ako, meron din. So ‘yun, hindi pa kami ready,” bulalas niya.
Kung si Kris ang tatanungin, lumalabas na mahal na mahal niya si Katrina pero paano natanggap ng magaling na singer ang nangyari sa kanila? “Wala na siyang magagawa, hindi na smooth ang relatiosnship, eh.
Parang. . .basta. . .sabi ko, mas okay na ganito na lang muna, friends. Wala namang masama ro’n, eh. Mas na-realize ko lang na kailangan kong mag-work.”aniya pa
“Huwag na nating masyadong ungkatin, hahaba pa, hindi naman kami loveteam, hindi naman siya kasama dito sa movie,” Samantala, patapos na ang kontrata ni Katrina sa GMA pero makikipag-meeting daw siya kung ano ang balak nila sa kanya dahil may iba raw siyang plano kung walang ilalatag sa kanya.
Na-realize niya na gusto pa raw niya magtrabaho at hindi ‘yung maghintay na lang kung ano ang project na ibibigay sa kanya.
“Para kasing after nangyari ‘yun (video scandal), para akong laging dedma na lang, ganu’n. Nagpabaya talaga ako.
Pero nagdecide ako last week lang na “wait lang, pwede pa”. “Parang dati kasi, parang kontento na ako, parang kahit ano na lang, ganyan. Siyempre, para sa anak ko at na-realized ko na mahal ko ang trabaho ko,” deklara niya.
Itinanggi rin niya na dahil sa pagpapaiksi niya ng buhok ay may kinalaman sa hiwalayan nila ni Kris. “Hindi naman po. Basta gusto ko lang ng pagbabago ngayon. Gusto ko ng bgong look. Basta bagong phase ito ng buhay ko na gusto ko nang magwork.
“Mas aggressive na,” sambit pa niya. Friends naman daw sila ni Kris at araw-araw ay dumadalaw pa rin ito sa anak nila. “Nandiyan naman ang suporta niya sa anak namin,”bulalas ni Katrina.
Magsisimula na siya sa pelikulang ‘Child House’ na ididirek ni Louie Ignacio. Tampok din sina Miggs Cuaderno, Therese Malvar, Vince Magbanua, Mona Louise Ray, Felixia Crysten Dizon na nagpakitang gilas sa pelikulang ‘Magkakabaung/ TheCoffin Maker’ at ang Ilongga child star na si Erika Yu. Nandiyan din sina Nadine Samote, Sheena Halili, Dion Ignacio, Pekto at marami pang iba.