Katrina Halili ayaw nang pag-usapan pa si Hayden Koh

    471
    0
    SHARE

    NAHIRAPAN noong una sa role ng mabait na si Hannah si Katrina Halili sa Niño dahil kailangan niyang baguhin ang boses, kilos at facial expression.

    Minsan, kontrabida acting pa rin ang ginagawa niya lalo na sa eksenang galit siya, pero later on, natuto na siyang babaan ang boses, hindi sumigaw at hindi itaas ang kilay.

    Samantala, ayaw pag-usapan ni Katrina kung ano ang nangyari sa relasyon nila ni Kris Lawrence, okay sila at magkatulong na pinapalaki ang anak nilang si Katrence.

    Magkasama pa rin silang nagsisimba, ayaw lang niyang gayahin sila ng kanilang anak na nagsasama nang hindi kasal.

    Ayaw ding mag-comment ni Katrina sa isyung ibinalik ang medical license kay Dr. Hayden Kho at wala pa rin siyang balak na harapin at kausapin ito. Mas gusto niyang makausap si Dra. Vicki Belo at may common friend silang gumagawa ng paraan para sila’y makapag-usap.

    Very much willing si Katrina na makaharap at makausap si Dra. Vicki para maipaliwanag niya rito ang nangyari.

    Ang request lang ni Katrina, ’pag nag-usap sila ni Dra. Vicki, payagan siyang may makasama at ganu’n din siguro ang gusto ni Dra. Vicki, may makasama rin siya sa paghaharap nila ni Katrina.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here