Katrina Halili apektado ang kabuhayan dahil sa pagkatigok sa teleserye

    331
    0
    SHARE

    Hindi pala talaga alam ni Katrina Halili na titigukin na siya sa Munting Heredera. Bigla raw kasing piñata ang character niyang si Lynette sa Munting Heredera nang walang pasintabi man lang.

    Ni hindi nga raw siya nasabihan na basta pag report niyasa taping, titigukin na pala siya.

    “Sayang nga, sana aabot pa ng January pero talagang ganyan, tanggap naman ni Kat, kaya lang nagtataka siya talaga,” sabi ng kausap namin.

    Nalaman din naming sa kita sa MH umaasa si Kat at ngayong nawala siya sa naturang teleserye, malaking bagay ang mawawala sa kanya. Hopefully, bibigyan ng isang bago pero di pa siya sinabihan.

    So far,wala talaga as in blank wall ang kinakaharap ni Kat,” sabi pa ng kausap namin.

    Sa ngayon, balak daw ni Kat na mag-concentrate muna siya sa mga out-of-town shows para kahit paano ay kumita siya. Sa ngayon kasi, malaki ang gastusin ni Kat na kailangang ma-maintain niya ito.

    Kami rito, nakapagtataka kung bakit biglaan nga ang pagkatsugi kay Kat. Di kaya napulitika ang sexy actress dahil lately ay vocal siya against sa ilang taong umargabyado sa kanya?

    In as much as malakas yung mga taong yun sa kanyang network di kaya minadyik ang role niya kaya tsinugi na?

     At this point, walang rason na tanggalin si Kat sa Munting Heredera na na-extend dahil nga mataas ang rating.

    Normally, kasi, kung mataas ang rating, bakit ka magpapalit ng characters na hindi mo pa subok?

    Hindi ba, sino naman kaya pumulitika kay Katrina Halili?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here