AT 18, Kathryn Bernardo is proclaimed as the Teenage Queen of Local Showbiz. Pero pakiwari niya, walang gaanong nagbago sa kanya, personality-wise, lalo na, except, of course, that she has grown taller.
She says she’s most grateful about that dahil ’di raw lahat ng mga nag-start bilang child star ay tumatangkad.
As a child actress or actor kasi, may mga pagkakataong napupuyat ang mga ito. Eh, ’di nga ba, Goin’ Bulilit days pa lamang ni Kathryn, gumagawa na siya ng pangalan?
Yet, if there is something Kathryn regrets daw, ito ay ang pangyayaring ’di niya gaanong na-enjoy ang kanyang pre-teen years. Oo nga at nagpatuloy pa rin siya sa kanyang pag-aaral kaya nakaka-bonding sila ng kanyang classmates, pero outside of school, wala siyang good memories ng bonding with friends.
Ganunpaman, natutuwa na rin daw siya na natutunan niya ang kahalagahan ng trabaho at an early age.
Malamang din, ’di sila nagkatagpo ng landas ni Daniel Padilla, whom she fondly calls DJ (real name: Daniel John), na hanggang ngayon, matiyaga pa ring nanliligaw (ha?!) sa kanya.
Since their last team-up on TV, Got to Believe, she and Daniel have been busy shooting for their latest film starrer, She’s Dating the Gangster.
The film opens in cinemas nationwide on July 16.