Home Opinion KATHANG ISIP NGA BA ANG WEST PHILIPPINE SEA?

KATHANG ISIP NGA BA ANG WEST PHILIPPINE SEA?

245
0
SHARE
Ayon sa pahayag ng isang CONGRESSMAN
WEST PHILIPPINE SEA ay kathang isip lang daw
kahit  sa mapa raw ng SANDAIGDIGAN
walang makikitang ganoong pangalan
ayon pa sa kanya tanging karagatan
lang ng bansang TSINA ang matutunghayan
II.
Sa naging pahayag nitong MAMBABATAS
maraming umalma’t sa kanya’y nabanas
ang kanyang sinabi ay hindi matanggap
ng mamamayan ng bansang PILIPINAS
ito’y kataksilan nga raw at PAGHAMAK
sa SOBERANYA ng bayang nililiyag
III.
Ang west philippine sea ay nakapaloob
sa karagatan na tayo ang may sakop
saklaw ng dagat ang BAJO DE MASINLOC
KALAYAAN ISLAND at karatig pook
at sa EEZ ng ating bansa’y pasok
na naging batayan na dapat masunod
IV.
Walang dahilan na hindi kilalanin
ang west philippine sea ng sino man sa’tin
mga nagbabalak na ito’y angkinin
nararapat lamang na sila’y supilin
ang dagat kanluran nitong bansa natin
biyaya ng DIYOS na dapat pagyamanin
V.
Katungkulan natin bilang PILIPINO
na ipaglaban ang ating TERITORYO
di lang MAGIGITING na mga sundalo
ang dapat asahan kundi lahat tayo
kahit batid nating tayo ay dehado
nananaig pa rin ang ating PRINSIPYO
VI.
At paniniwala na ang KARAGATAN
nitong ating bansa sa dakong KANLURAN
tayo ang may-ari at may KARAPATAN
at hindi ang Tsina ng may KASAKIMAN
ang West Philippine Sea ay pinangalanan
upang ipahayag ang KATOTOHANAN
VII.
Hindi ba’t likha rin ng isip ang BATAS ?
ng mga hinalal nating MAMBABATAS
at kapag dito ay mayroong lumabag
may mga parusa itong KAAKIBAT ?
ang WEST PHILIPPINE SEA ganyan ang katulad
na sa buong mundo ay magiging TANYAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here