Home Headlines ‘Katayan’ ng motor dinalaw ng HPG

‘Katayan’ ng motor dinalaw ng HPG

2090
0
SHARE

Kasama si Jaen police chief Major Erwin Ferry, sinusuri ni NE-HPG chief Capt. Ernesto Esguerra ang mga makina at piyesa ng motorsiklo sasurplus shop. Kuha ni Armand Galang.



JAEN, Nueva Ecija – Pinangunahan ni
Capt. Ernesto Esguerra, hepe ng Nueva Ecija Highway Patrol Groupang inspeksyon sa itinuturing na pinakamalaking pwesto ng mga “kinakatay” na motorsiklo sa Sito Tawi-tawi ds bayang ito.

Kasama ang mga kinatawan ng Jaen treasurer’s office at Jaen police station sa pamumuno ni Major Erwin Ferry, binusisi nina Esguerra hanggang chassis number ng mga makina sa pwesto ni Marcelo Lagaña, ng naturang lugar.

“Hinahanapan natin ng OR/CR (official receipt/certificate of registration) yung mga motorsiklo, hinahanap natin yung mga dokumento nila, source ng kanilang produkto,” sabi ni Esguerra.

Bukod sa ilang makina, makikita rin sa lugar ang iba’t ibang parte ng motorsiklo.

Ayon kay Esguerra, layon ng kanilang operasyon na masigurong legal ang mga ganitong uri ng negosyo bilang proteksyon sa mga may-ari ng motorsiklo at gayundin sa mismong negosyante.

Ayon naman kay Lagaña, mga mismong mga dealer na nagbebenta ng lotehan o maramihan ng mga na re-possess at naaksidenteng motorsiklo ang pinagmumulan ng kanilang supply.

Aniya, ang puwede pang ayusin ay kanilang inaayos ngunit ang mga malubha ang sira ay kinukuha na lamang ang mga piyesa.

Binibili raw nila ito nang may karampatang dokumento at ibinibenta sa kanilang kliyente.

Lumabas naman sa pagsusuri ng HPG at treasurer’s office na paso ang business permit ni Lagaña. 

Dahil dito ay ipinag-utos ng HPG ang pansamantalang pagsasara ng nasabing negosyo hanggang makakuha ito ng mga karamptang permit, kasama na ang mayor’s permit.

Pinayuhan ni Esguerra ang mga bumibili ng kinatay na spare parts na manghingi ng resibo upang matiyak na legal ang transaksyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here