Katakam-takam ang pagkain sa Piging ng Lahing Magiting culinary arts festival

    589
    0
    SHARE
    PAOMBONG, Bulacan – Garantisadong magiging katakam-takam ang isasagawang culinary arts festival sa Ciudad Clemente Resort sa bayang ito bukas ng umaga.

    Ito ay dahil sa mga pagkaing Bulakenyong lulutuin na ipatitikim sa mga dadalo ng mga mag-aaral ng Hotel and Restaurant Management mula sa ibat-ibang kolehiyo at pamantasan sa Bulacan na kalahok sa nasabing festival.

    Ang nasabing festival ay tinaguraing Piging ng Lahing Magiting festival na isasagawa bilang paghahanda sa ika-112 taon ng paghahayag ng kasarinlan ng bansa.

    Ayon kay Jose Clemente, isa sa mga nag-oganisa sa nasabing festival, siguradong maiibigan ng mga Bulakenyo ang nasabing festival dahil sa masasarap na lutuing Bulakenyong ihahanda.

    Sinabi pa ni Clemente na kabilang sa mga ihahahanda ay ang mga heritage food ng Bulacan o mga pamanang lutuin ng mga Bulakenyo.

    Iniisa naman ni Jaime Corpuz, isang historyador at kabilang sa nag-organisa ng festival, ang ilang pamanang lutuin ng Bulacan.

    Ayon kina Clemente at Corpuz, ang pagsasagawa ng Piging ng Lahing Magiting Culinary Arts Festival ay naglalayong maipalaganap ang sining at kalinangan ng kulinarya o paglulutong Bulakenyo.

    Sinabi ni Clemente na ang nasabing festival ay isang pagpupugay sa mayaman at makulay na kalinangan ng Bulakenyo sa larangan ng pagluluto, at sa mga Bulakenyong natatangi ang kakayahan sa pagluluto.

    Kabilang sa mga natatanging Bulakenyo sa larangan ng pagluluto ay ang yumaong si Milagros Enriquez ng bayan ng Bulakan na itinuring na kauna-unahang culinary historian ng Bulacan.

    Ayon pa kay Clemente, ang Piging ng Lahing Magiting culinary arts festival ay tatampukan ng lecture forum, cooking demonstration, at taste test galore o tikiman ng piging.

    Umaasa sina Clemente at Corpuz na ang isasagawang festival ay makakapukaw ng pansin sa mga kabataang Bulakenyo upang patuloy na itaguyod at pagyamanin ang kulinaryang Bulakenyo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here