Kasulyang isusuot ng Papa, gawa ng Bulakenyo

    338
    0
    SHARE

    GUIGUINTO, Bulacan— Isang Bulakenyo ang  nagdisensyo at gumawa  ng mga kasulya na isusuot ni Pope Francis    sa pagbisita nito sa  bansa. 

    Tatlong kasulya ang  nakatakdang gamitin ni Pope na may mga  disenyong    anahaw atSto. Nino de Cebu,  sampaguita at kawayan  at isang payak na disenyo  ng sampaguita.

    Ayon kay Ronald  Allan Babaran, designer-  tailor ng Disensyo Sagrada ng Barangay  Tiaong ng nabanggit na  bayan, simple lamang  ang mga ginawang kasulya batay sa kagustuhan ng Papa. Ayaw daw kasi nito  ng magarbong disenyo   kayat ginawa lamang itong simple. 

    Ang mga disenyo  gaya ng kawayan, sampaguita at anahaw ang  inilagay upang magsilbing simbolo na dumalaw  ang Papa sa Pilipinas. Ayon kay Babaran, natutuwa sila dahil sila  ang napiling gumawa ng isusuot na kasulya ni  Pope Francis. Isa na rin daw itong  blessing dahil sa napakabihira ng ganitong  pagkakataon. Samantalang bukod sa tatlong kasulya ni Pope Francis ay sila din  ang gumawa ng estola na isusuot ng 2,500 pari  sa pagdating ng  Papa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here