Kasong child abuse at pambubugaw ang kasong isinampa ni Nadia Montenegro kay Annabelle Rama

    737
    0
    SHARE

    Iisa ang lengguwawe ng mag-iinang Ruffa at Raymond Gutierrez at Annabelle Rama laban kay Nadia Montengro.

    Ito ay ‘yung tungkol sa kasong child abuse na isinampa ni Nadia Montengro laban sa huli. At kahit yung mga detayle lang ng child abuse tungkol sa hours ang sinasabi ng tatlo, we suspect na may kasamang suit ng ng pambubugaw ang demanda ni Nadia laban kay Annabelle.

    Sa demanda kasi, malakas na kaso ang pambubugaw kaya siguro naisampa nang walang gatol ni Nadia. Isa pa, may konek si Nadia, being the ‘wife’ of a prominent politican kaya nga tiyak na may nagbuyo sa kanya na gawin ito.

    At siyempre, habang ang panay ang salita ng mag-iina laban kay Nadia, we have yet to listen to Nadia and children’s side of the story. Sabi nga sa tweet ni Nadia, gusto raw niyang siya naman ang mabigyan ng pagkakataong magsalita. And for sure, that would be next week sa ABS -CBN naman.

    Una na naming naringgan ng ratsada si Ruffa Gutierrez whose baon of sort sa Paparazzi ay ang tungkol nga sa isyu. "Mamaya magsasalita si Mommy sa kabilang programa, unahan na natin siya," patawang simula pa nito.

    Very harsh ang mga statement ni Ruffa para ipagtanggol ang ina. Pero ang tema nga ng sagot niya ay yung di raw true na child abuser ang nanay niya. "Call her rude, ill- manered, but my mom is not a chuild abuser.

    "Nadia, stop texting me, definitely I will not listen to you, I am siding with my mom, so please, magbayad ka na ng mga utang mo sa kanya at pati na yung sa akin," sabi pa ni Ruffa.

    At ayon pa kay Ruffa, sa simula pa lang daw, sinabihan nito ang ina na ‘wag nang tanggapin ang mga anak ni Nadia. Na ibig pang ipalabas ni Ruffa na hindi naman tipong artista ang mga bata kaya di na dapat kinuha pa.

    "That’s what I told my mom, e di ayan na nga, bandang huli siya pa’ng masama."

    Live naman na nag-guest sa Showbiz Central si Annabelle Rama para sagutin ang child abuse at oral defamation complaints na isinampa ni Nadia Montenegro laban sa kanya. Itinanggi nitong pinagtrabaho niya ng 40 hours a week ang mga bata. Hindi pa raw sikat ang mga ito para bigyan ng maraming eksena.

    Itinanggi rin nitong pinagsuot niya ng sexy dresses ang mga bata at hindi rin totoong gusto niyang i-prioritize ang career kesa studies ng dalawa. Lalong hindi niya ibinugaw ang mga bata.

    “Disente ang mga anak ko at mga talents ko. ’di ako puwedeng mag-bugaw, suwerte ako sa buhay. Sasagutin ko ang demanda niya hanggang sa Supreme Court at ’di ko rin ire-release ang mga anak niya.

    “Hindi ako papayag na ako ang magsasaing at siya ang kakain. Masakit sa akin ang away namin dahil tungkol sa pera, pero hindi ako uurong sa demanda,” wika ni Annabelle.

    Nagpahayag ng suporta sa ina si Raymond Gutierrez sa Showbiz Central pa rin. Nagulat, nabigla at may konting galit at disappointment siya kay Nadia at sa 30 years sa showbis ng ina, wala itong record ng child abuse. Mataray at palaban daw ang mom niya, pero hindi child abuser.

    “Nabigla ako,” tinuran niya. “May galit at disappointment ako kay Nadia kasi in my mom’s 30 years in showbiz, wala siyang record ng child abuse. Nadia asked her help to manage her three daughters and she accepted it.

    We treat my mom’s talents as family members. We saw our mom defend and support Nadia and her daughters, encouraging producers to get them and hire them, so it saddens me na umabot sa ganito, humantong sa mga bintang at pagsisinungaling.

    We support our mom 100% in this issue kasi nakita namin ang pag-aaruga niya sa mga anak ni Nadia.”

    Susog naman ni Annabelle, “Dapat hindi ko na ito papatulan kasi mas sikat ako. Yung kalaban ko, nameless, wala siyang career. Pero dahil dinemanda niya ko, sasagutin ko siya. Siyang namilit sa ’kin na i-manage ang mga anak niya. Sabi ko nga, matataba pa, papayatin muna niya. Kakukulit niya, na-convince ako.

    Pati yung mga anak niyang 7 and 4 years old, gusto niya i-manage ko. Sabi ko, ayoko, masyadong mga bata pa. Napasok ko yung dalawa sa TV5, nage-enjoy sila. Pero hindi totoong her kids work 40 hours a week.

    “Hindi naman sila mga bida. Nandun lang sila, mga kasama ng bida. Pagdating ng suweldo, maaga pa nandun na siya kasi wala raw pambili ng ganito, pambayad ng kuryente. Ang mga bata mismo, walang nakukuhang pera. Si Nadia, laging may problema sa pera ‘yan, akong takbuhan niya.

    “Noong time na pinapalayas sila sa bahay nila sa Blue Ridge, nagpatulong siya sa ’kin na makapag-advance si Inah ng P1 million sa GMA para may pambayad sila sa rent doon sa bahay na lilipatan nila.

    “Akong lumapit kay Annette (Gozon-Abrogar of GMA) kaya nabigyan sila. Sabi ko, ang mahal ng rent nila, P100,000 a month. Saan siya kukuha ng pambayad diyan? Ayaw niyang ibigay ang komisyon ko.

    Huhulugan na lang daw ng installment. Nagsangla siya sa ’kin ng hikaw. (Annabelle showed it on TV.) P150,000 ito, three years na di pa bayad hanggang ngayon.

    “Nag-birthday ang asawa niya, umutang sa ’kin ng P30,000. Hanggang ngayon di pa rin bayad. She pulled out her kids sa TV5, mag-aaral daw.

    Sabi ko kay Perci Intalan (TV5 boss), sige, let them go. Masakit ito dahil away ito tungkol sa pera. Pero hindi ko siya uurungan, haharapin ko siya. Sasagutin ko ang demanda niya, kahit umabot kami sa Supreme Court.

    Nadia, dapat ikaw ang dapat ipakulong dahil wala kang kuwentang nanay. Bayaran mo ang mga utang mo sa ’kin, plus 3 percent interest.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here