Kaso ng masaker nasa Bulacan RTC na

    397
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS CITY —Hawak na ng Bulacan Regional Trial Court Branch 78 ang kasong five counts of murder at two counts of rape sa pagmasaker sa pamilya Dizon sa Barangay Sto.Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan.

    Matapos ilabas ng San Jose Del Monte City Prosecutors Office ang resolusyon sa naturang kaso ay ini-raffl e ito kahapon at bumagsak sa RTC Branch 78 at doon na ito didinggin.

    Ayon kay Supt. Fitz Macariola, hepe SJDM PNP, hihintayin naman nila ang magiging resolusyon ng hukuman patungkol sa kustodiya ng akusadong si Carmelino Ibanez, alyas Miling, kung iko-commit ito sa Bulacan Provincial Jail.

    Kung hindi naman daw ay maghahain ng mosyon ang PNP para ilipat ng kustodiya sa Bulacan Provincial Jail dahil maituturing na high profi le detainee si Miling.

    Wala naman daw na pagbabanta sa buhay nito ngunit mas magiging convenient sa pagdinig kung sa Capitol compound na rin magmumula si Miling at hindi na ibabyahe mula SJDM.

    Sa gitna nito ay hindi pa maitutuing ng PNP na sarado na ang kaso dahil patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa insidente gaya ng hindi pa natutukoy ang ibang murder weapon at pagkawala ng isa sa mga persons of interest na si alyas Alvin.

    Patuloy din daw ang imbestigasyon ng PNP sa pagkamatay ng tatlong persons of interest sa kaso na sina alyas Inggo, alyas Ponga at alyas Tony.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here