Home Headlines Kaso ng Covid tumaas, lockdown sa 2 barangay pinalawig

Kaso ng Covid tumaas, lockdown sa 2 barangay pinalawig

1087
0
SHARE

MASINLOC, Zambales Kinumpirma ni Mayor Arsenia Lim na umabot na sa 157 ang nagpositibo sa Covid19 sa isinagawang swab test sa may 1,766 na katao na nagtatrabaho sa loob ng power plant sa bayang ito.

Ayon kay Lim, 64 dito ay pawang mga tagaMasinloc at on-going pa ang isinasagawang swab test at contract tracing. Dugtong pa nito, ang mga nagpositibo ay kaagad ng dinadala sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba.

Ang Philippine Red Cross ay nakapag swab test na ng may 1,594 katao at ang provincial health office ay 172 naman.

Sinabi ni Lim na lumampas sa target na 1,000 ang isu-swab dahil hiniling na isama na ang pamilya ng bawat manggagawa.

Kinausap na rin ni Lim ang DepEd Zambales na pansamantala munang gawing isolation area ang central school sa South Poblacion sa mga naghihintay sa resulta ng kanilang swab test. Lahat ang mga ito ay pawang mga asymptomatic.

Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Covid, muling ipinagutos ni Mayor Lim ngayong Huwebesang pagpapalawig sa total lockdown batay sa Executive Order No. 28 na muling ipinatupad sa Barangay Bani at Sitio Relocation, Barangay Taltal na naunang ipnatupad mula August 20 hanggang nitong Miyerkules.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here