Home Headlines Kaso ng COVID-19 sa Bulacan, patuloy sa pagbaba

Kaso ng COVID-19 sa Bulacan, patuloy sa pagbaba

671
0
SHARE
Nanatiling walang naka-admit na pasyenteng may COVID-19 sa Bulacan Infection Control Center. (PHO)

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Patuloy ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bulacan.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office o PHO, mula Hunyo 11 hanggang 13 ay nakapagtala ang lalawigan ng 15 kaso at walang naiulat na nasawi.

Sinabi ni PHO Head Edwin Tecson na sa kasalukuyan ay nasa 45 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso kung saan 44 rito ay naka home quarantine habang ay natitirang isa ay nasa temporary treatment and monitoring facility.

Sa kabuuan mula noong Marso 2020 nakapagtala ang probinsiya ng 109,572 confirmed cases kung saan 107,813 dito ang naka-recover at 1,714 naman ang namatay.

Sinabi pa ni Tecson na low ang epidemic risk classification ng buong Bulacan kung saan -26% ang 1-week growth rate o ang pagdami ng kaso mula May 22-28.

Sa mga bayan at lungsod, nasa moderate ang epidemic risk classification ang Sta. Maria.

Nasa Low naman ang lungsod ng Malolos, at mga bayan ng Bocaue, San Ildefonso, Calumpit, Balagtas, Obando at Pandi.

Ang mga nalalabing bayan naman ay nasa minimal.

Paalala ng PHO, patuloy pa rin sumunod sa mga minimum public health standard gaya ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa mataong lugar, at pagkakaroon ng maayos na bentilasyon.

Gayundin, mabisang panlaban sa COVID-19 ang pagkumpleto ng mga bakuna at pagkakaroon ng booster shot. (CLJD/VFC-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here