Home Headlines Kaso inihahanda vs. kagawad na nakita sa video na bumawi ng ayuda...

Kaso inihahanda vs. kagawad na nakita sa video na bumawi ng ayuda mula SAP

934
0
SHARE

Si barangay kagawad Lita Cabigao habang nasa himpilan ng pulisya na tumangging magbigay ng panig hinggil sa reklamo ng pagbawi nito ng ayuda. Kuha ni Rommel Ramos



PAOMBONG, Bulacan —
Sasampahan ng pulisya ng mga kasong paglabag sa Anti-Graft and Corruption Practices Act at Bayanihan to Heal as One Act si Barangay San Vicente kagawad Isabelita Cabigao na nakuhanan ng video na bumawi sa kalahati ng ayuda mula sa Social Amelioration Program.

Inimbitahan ng Paombong police si Cabigao matapos mapanood sa media ang reklamo ni Regie Atordido na binabawi ni kagawad ang kanyang natanggap na ayuda.

Ayon kay chief of police Major Niel Cruzado, inimbitahan nila sa himpilan ang dalawa para sa kanilang imbestigasyon ngunit sagot daw sa kanila ni Cabigao na sa tamang forum na lang niya sasagutin ang reklamo.

Ayon sa pulisya, ano mang oras ay isasampa na ang kaso laban kay Cabigao.

Sinubukan ng Punto! na kuhanan ng panig si Cabigao ngunit tumanggi ito na magbigay ng kanyang panig.

Matatandaan na mapapanood sa viral video na nagtatalo si Cabigao at Atordido dahil pilit na binabawi ni kagawad ang kalahati ng ayuda na sang-ayon daw sa kanilang pinirmahan na kasunduan.

Ayon kay Atordido, kakakuha pa lang niya ng P6,500ay kaagad na may nagtext sa kanyang kapitbahay at ipinakukuha na daw ang kalahati ng ayuda.

Ang kalahati ay ibibigay umano sa isang mother leader na ang alam nila ay hindi dapat mabigyan ng SAP dahil nagtatrabaho ito sa barangay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here