Kasinungalingan ni Marian Rivera ibubuking lahat ni Heart Evangelista

    364
    0
    SHARE

    Nasa data gathering stage ngayon ang kampo ni Heart Evangelista upang mangalap ng mga ebidensiya para nga masabi na nila’ng katotohahan tungkol sa mga kasinungalingan ni Marian Rivera.

    Itinaon kasi ni Marian na wala sila sa Pinas bago ito naghabi ng mga kasinungalingan at imbentong kuwento upang mapalabas na sinungaling si Heart.

    This is regading the airport incident na noon ay pinagpistahan ng press. At posbileng umabot pa nga sa korte ang naturang usapin.

    Itutuloy ng mother ni Heart Evangelista, na si Cecile Ongpauco, ang planong press conference para linawin ang lahat ng isyu tungkol sa nangyari sa pagitan ng kanyang anak at ni Marian Rivera sa set ng Temptation Island?

    From a reliable source, nakipagkita na raw si Mrs. Ongpauco sa mga taong dapat kausapin sa GMA7 para maprotektahan naman si Heart sa mga maling kuwento against her daughter.

    Dagdag pa ng source, pinapaipon na ni Mrs. Ongpauco ang lahat ng write-ups sa mga dyaryo at magazines tungkol sa insidente sa airport ayon sa mga sinabi ni Marian sa press conference ng Temptation Island.

    Pati nga raw ang VTR kung saan narecord ang  mga sinabi ng actress sa presscon ay humihingi ng kopya ang mother ni Heart bilang ebidensiya na nagsinungaling si Marian para masiraan sa publiko ang anak.

    Ngayong nandito na si Heart, handa na raw nitong tuparin ang pangako na magsasalita na at sasabihin ang totoong nangyari sa kanila ni Marian.

    May mga tao na kaming nakausap hinggil sa tunay na nangyari. May kinalaman nga sa selosan ang isyu at yung ginawa nga ni Marian ay tatak na niya. Gaya ng ginawa niya kay Bela Padilla noon, hinarass-harras daw ni Marian si Heart.

    Tiyak na madaradagan pa ito dahil ga mismong si Heart na’ng magsasalaysay sa mga tunay na pangyayari.

    Abangan kung paano hinabi ni Marian ang mga kasinungalingan niya upang ilabas ang sarili sa mga karuma-dumal na ginawa niya kay Heart Evangelista!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here