MALOLOS CITY– Halos 300 katao ang inaasahang lalahok sa tatlong araw na Unang Pambansang Kumperen-sya ng Bulacan at Pampanga para sa Kasaysayan, Sining at Kali-nangan na tatampukan ng presentasyon ng 23 pangunahing mananaliksik.
Ang kumperensiya ay isasagawa mula Mayo 12 hanggang 14 sa Bulwagang San Francisco Javier sa Holy Angel University sa lungsod ng Angeles, sa pagtutulungan ng Center for Kapampangan Studies sa pangunguna ni Robby Tantingco; Bahay-Saliksikan ng Bulacan sa pangunguna ni Dr. Agnes Crisostomo; at ng Arte Bulakenyo Foundation, Inc. ni Jose Clemente.
Ang panghuling gawain ng kumperensya ay isasagawa sa bayan ng Pulilan, Bulacan sa Mayo 14 upang saksihan ang taunang Kneeling Carabao Festival.
Ayon kay Tantingco, layunin ng pambansang kumperensiya na mailahad ang mga pagkakatulad ng mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga sa larangan ng kasaysayan, sining at kalinangan.
Sinabi pa ni Tantingco na makasaysayan ang nasabing kumperensiya hindi lamang sa pagsasanib ng tatlong institusyon, kundi dahil na rin sa magbubukas ito ng higit na kaunawaan sa pagitan dalawang dakilang lalawigan.
Ayon naman kay Clemente, tampok sa nasabing kumperensiya ang paghahayag ng resulta ng mahabang pananaliksik ng 23 kinikilalang dalubhasa sa larangan ng sining, kalinangan at kasaysayan mula sa dalawang lalawigan at Maynila.
Kabilang sa mga magsasagawa ng presentasyon hinggil sa kanilang pananaliksik ay sina Dr. Jaime B. Veneracion na tatalakay sa “Ang Bulacan bilang dating Bahagi ng Lalawigan ng Pampanga”, Dr. Jose Victor Z. Torres (Bangkusay: A Study of 16th Century Filipino Warfare at the Arrival of the Spaniards), Dr. Luis Camara Dery ng
De La Salle University (Mga Maginoo ng Pangpang: Ang Testamento ni Don Fernando Malang Balagtas at ang mga Sinaunang Pamayanan sa Pilipinas).
Alex R. Castro ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies (Magandang Bulaqueña, Malagung Pampangueña: A Pictorial History of Bulacan ang Pampanga Beauties at the Manila Carnivals, 1908-1939), Dr. Lino L. Dizon ng Center for Tarlaqueño Studies, Tarlac State University (Don Jose Felipe Del-Pan: Decano de la Prensa de Filipinas and the Nascent Studies about the Philippines and Central Luzon during the Mid-19th Century).
Joel P. Mallari ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies (Toponyms, Genealogy and Archaeology of Pre-Hispanic Bulacan and Pampanga), Atty. Cresenciano C. Santiago ng Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan, Inc.(Ang Bulacan at Pampanga sa Panahon ng Pananakop ng Inglatera, 1762-1764).
Gene Gonzales ng Café Ysabel, Inc., (The Kapampangan Culinary Arts), Rheeza Hernandez ng VSE Productions (Kaluto: Ang Pamana ni Tita Mila S. Enriquez sa Sining ng Paglulutong Bulakenyo), Basilidez Bautista, Lokal na Mananalaysay ng Bulacan (Feasts and Fiestas: An Examination of Bulacan Fiestas).
Ivan Anthony Henares (A Survey on Built Heritages in Bulacan and Pampanga), Rene Romulo de los Reyes (Colorful Provinces: The Cultural Tourism of Bulacan and Pampanga), Armando Sta. Ana (Bulacañana: Ang Sining sa Lalawigan ng Bulacan), Dr. Eric Babar Zerrudo ng Metropolitan Museum sa Maynila (Cultural Mapping in Various Bulacan and Pampanga Sites).
Erlinda Cruz ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies (Kapampangan Festivals and Fiestas), Fr. Pedro G. Galende ng San Agustin Museum (Ecclesiastical Museums), Lord Francis Musni (Augustinians in the River Banks: The Augustinian History in Bulacan and Pampanga and its Churches), Ramon N. Villegas (Baliuag Style: The Bulacan-Pampanga Furniture Tradition)
Bro. Martin Francisco ng Center for Bulacan Studies (Bato sa Sare sa Pusod ng Mahabe Pagotan: Ang Tagong Sibilisasyon), Dr. Maria Elena D. David ng Tarlac State University (Aeta Mag-anchis: Vanishing Territories, Vanishing Identities), Jaime S. Corpuz ng Arte Bulakenyo Foundation, Inc. (Sayang de Cola: Pambisa’t Alampay ng Kasuotang Bulakenya), Dr. Anicia del Corro ng Philippine Bible Society (Mutations of the Kapampangan and Tagalog Languages along the Border), at Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (Ang Pagsasalubungan ng Wika: Ang Kaso ng Tagalog at Kapampangan)
Ang tatlong araw na kumperensiya ay suportado din ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Department of Tourism (DOT).
Bukod sa mga presentasyon, isasabay din sa kumperensiya ang regular na pagpupulong ng Kapisanan ng mga Bahay-Saliksikan ng Bansa (KABANSA) sa pangunguna ni Dr. Emmanuel Calairo ng Cavite Studies Center, De La Salle University Dasmariñas, at ng pagpupulong ng Association of Tourism Officers of Bulacan (ATOB) sa pangunguna ni Dante Navarro ng Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.