Kasama rin daw ito sa Amerika??? Jewel Mische kumpirmadong girlfriend ni Richard Gutierrez

    476
    0
    SHARE
    Mismong bunsong kapatid ni Richard Gutierrez na si Ritchie Paul na girlfriend talaga ng Kuya niya si Jewel Mische. Ngayon naman ay naglalabasan ang isyung nasa Amerika raw ang young actress kasama nga si Richard.

    Nagsi-shooting doon si Richard kasama sina Claudine Baretto at Anne Curtis, tapos nandu’n naman si Jewel?

    Kasama pa ni Richard du’n ang Daddy niyang si Eddie Gutierrez at ang kapatid niyang si Elvis, pero wala silang sinasabing kasama nga nila dun si Jewel.

    Nandito naman si Annabelle Rama at nakausap nga ng mga reporter, at hindi raw siya naniniwalang nandu’n si Jewel.

    Pero may mga nagkukuwentong nakita nila roon ang young actress at kasa-kasama nga ng aktor.

    Kaya nu’ng presscon ng Pilyang Kerubin, wala si Jewel dahil nasa Amerika nga ito.

    Mukhang seryoso nga si Richard dito kay Jewel dahil ang tagal na rin nila. Halos lahat pa yata ng biyahe ni Richard sa abroad, kasama si Jewel at tanggap na tanggap na ito ng pamilya.

    Kaya du’n nga sa presscon ng Pilyang Kerubin, walang kagatul-gatol na sinabi talaga ni Ritchie Paul na girlfriend nga ng Kuya Richard niya si Jewel at gusto raw niya ito para sa Kuya niya dahil napakabait daw, very smart at napaka-relihiyosa.

    Kitam!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here