ISA ang GMA Artist Center talent na si Rocco Nacino sa mga naging close kay Sarah Lahbati matapos ang sinalihang reality artista search ng Kapuso network, ang StarStruck, ilang taon na ang nakalilipas.
Kaya naman ngayong kontrobersyal si Sarah dahil sa pag-amin nila ni Richard Gutierrez sa pagkakaroon ng Baby Zion, isa rin si Rocco sa hinihingan ng press ng reaksyon.
Sa packet interview ng aktor para sa pagkakapanalo ng Natatanging Likha para sa Dulang Pantelebisyon: Hiblang Huwaran award sa Gawad Duyan Awards, sinabi nito na pati sila, walang alam sa pagbubuntis at panganganak ni Sarah.
Hindi raw nila ’yon napag-usapan at talagang ikinagulat niya ang balita. “Kung nagti-text si Sarah, I didn’t bring it up.
Puro lang kami kumustahan,” tsika pa ni Rocco. Ganunpaman, isa rin siya sa mga naniniwala na tamang-tama ang timing ng pag-amin nina Chard. Tamang desisyon din daw ang ginawa ng dalawa na finally, aminin na ang tungkol kay Baby Zion.
Dialogue ni Rocco sa mga bumabatikos sa showbiz pair, “People should respect their decision.” Speaking of right timing, tinanong siya ng press kung ano ang gagawin niya sakaling nangyari sa kanya o sa kanila ng rumored GF na si Lovi Poe ang nangyari kina Chard at Sarah.
Aniya, kailangan ang tamang pagpapaplano, pagkausap sa mga tamang tao kung kailan talaga dapat i-divulge ang isang importante bahagi o bagay sa personal na buhay ng artista. Inulit niya na hindi siya kumportableng pinag-uusapan sa interview o publiko ang kung anumang relasyon meron sila ni Lovi ngayon.
Hangga’t maaari raw, mas gusto nilang dalawa na manatiling pribado ang aspeto na ’yon ng kanilang buhay.
“Marami nang alam ang mga tao sa amin, so, it’s one thing na gusto naming kami lang ang nakakaalam,” paliwanag ni Rocco. Although pareho silang mahilig sa bata, mas type pa rin daw ng aktor ang tradisyonal na pakikipagrelasyon.
Ibig sabihin, hangga’t maaari, mas gusto niyang mauna ang pagpapakasal kesa pag-aanak. “But if it happens, i-embrace mo na lang,” nangingiting hirit niya. Sa ngayon, marami pa raw siyang planong gawin sa buhay. Isa na rito ang bumalik sa pag-aaral at ituloy ang pagkuha ng Medicine.
“In fi ve to 10 years siguro,” dagdag ni Rocco. “Depende sa career ko ’pag nagpeak pa lalo… let’s see.”
Samantala, ang inuwi niyang award mula sa Gawad Duyan ay para sa pagganap niya bilang si Mayor Joseph Santiago sa kauna-unahang original series ng GMA News TV na Bayan Ko.
Ngayong Huwebes, may meeting siya sa Kapuso execs para sa bagong soap na sisimulan either July or August.
Excited na raw si Rocco na malaman kung sinu-sino ang kanyang makakasama sa project dahil nabasa na niya ang script.
Bukod dito, busy din siya sa Sunday All Stars at sa Cinemalaya fi lm na Hustisya, kasama ang Superstar na si Nora Aunor.