Karylle, Toni Taus burado na sa buhay ni Dingdong Dantes

    926
    0
    SHARE
    Hindi naman kaila sa publiko na naging karelasyon ni Dingdong Dantes si Antoinette Taus. Nagkasama ang dalawa sa isang TV show noon at malinaw namang sila na nga. At kung paniniwalaan ang mga tsismis na naglabasan noon sa Angeles City, where Antoinette hails, nagkaroon pa ng anak ang dalawa.

    Anyway, nagkalabuan nga sila. Matagal bago pumasok sa eksena si Karylle na noon ay ka-loveteam ni Dingdong. ‘Yung gimik ay humantong nga sa tunay na relasyon which was halted by the entrance of Marian Rivera sa buhay ni Dingdong. Alam naman ng publiko kung paano ‘naagaw’ ni Marian nang tuluyan kay Karylle si Dingdong.

    Hanggang ngayon nga ay sina Marian at Dingdong pa rin. Mukhang sa kasal na magwawakas ang kanilang romansa.

    Kailan alng, nakipagkuwentuhan si Dingdong Dantes sa press sa autograph signing ng kanyang bookazine titled Yes! Life Stories.

    Ano ba ang ang rebelasyon niya saYes! Life Stories?

    “Hindi siya ‘yung normal information na parating alam ng karamihan. Kumbaga, mas detalyado rito ‘yung mga pagkuwento ko especially mula sa pagkabata, lahat ng fantasies ko, lahat ng dreams ko lahat nandoon.”

    Nandoon din ba ang love stories niya with Karylle, Marian Rivera?

    Hindi raw nila tinatalakay ‘yung kay Karylle pero ‘yung sa kanila ni Marian ay may mga ibang rebelasyon. Pati na kung kailan nag-start ang relasyon nila, kung sa Marimar days ba o Dyesebel days?

    “May mga detail kung paano kami naging close ni Marian. ‘Yung kina Karylle, Antoinette (Taus) na-mention lang, pero hindi naman masyadong binigyan ng….

    Tatlo lang sila?

    “’Yung iba kasi, hindi na mga artista. Rati pa ‘yun. Pero noong pumasok na ako na maging ano… mga partner ko na. He!he!he,” say pa niya.

    Sa palagay ba n’ya last girl na si Marian sa love life niya?

    “Ayaw kong isipin, eh! Pero gusto ko siya. I hope siya na,” deklara ni Dingdong.

    Pero hindi kaya nagseselos si Marian kay Rhian Ramos dahil may chemistry sila at kilig factor sa kanilang serye na Staiway To Heaven?

    “Nagpapasalamat ako sa GMA dahil to begin with naniniwala sila sa project na ito. Kumbaga, istorya pa lang magmula noong dati noong ginawa ang Korean version, nag-hit na siya. Kumbaga, noong inulit lang ngayon confident sila na it’s a nice show. Plus dinagdagan lang ng kaunting elemento ng pagiging kami at interpretation namin doon sa characters kaya nagpapasalamat kami dahil maganda naman ‘yung naging resulta.

    “Pero walang dapat ipagselos si Marian. Wala talaga,” aniya.

    Baka maulit ‘yung nangyari kay Karylle?

    “Alam ko naman ngayon na hindi siya parehong sitwasyon. Sigurado ako roon. Importante sa akin ngayon ay nakakapag-concentrate ako roon sa ginagawa ko. Hindi siya madaling gawin at the same time may kaunti siyang challenge coz hindi ko na kasama si Marian dito, iba naman. So, kumbaga nate-test din ‘yung versatility .‘Yun dapat ihiwalay talaga nila ‘yung personal at saka ‘yung trabaho,” deklara niya.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here