Karylle naniniwala sa kasal

    371
    0
    SHARE

    Di makaiwas sa usapang kasal si Karylle during the presscon of her latest endorsement.

    “Hindi ko naman puwedeng sabihing huwag muna nating pag-usapan ’yan bilang ang dami kong singsing na suot,” nakangiti niyang say.

    As we all know, boyfriend ni Karylle ang Spongecola vocalist na si Yael Yuzon kaya naman natatanong din talaga siya kung may plano na ba silang magpakasal.

    Pero ayon kay Karylle, wala pa namang plano at walang pressure para magmadali dahil ’yung friends niya ay ngayon pa rin lang ikinakasal.

    But is she the marrying type?

    “Oo naman, kahit na sabihin pa nating hindi ganu’n kaganda ang result ng marriage ng parents ko, I have gone to the whole family healing process para hindi naman mawala ’yung faith ko in love,” say ni Karylle na nagniningning sa kanyang suot na  earrings na birthday gift daw ng nasabing jewel company.

    Since nasa parents na rin niya ang usapan, natanong si Karylle kung paano niya sinuportahan ang mommy niyang si Zsa Zsa Padilla during those times na naba-bash ito sa Twitter.

    “Wala, dinefend ko lang siya in my own way na parang bigyan n’yo naman ng space at ’wag n’yo namang masyadong i-bash,” sagot niya.

    Aminado rin si K (tawag kay Karylle) na na-hurt siya for her mom at pati na rin sa iba pang artista na nalalait sa Twitter.

    “But for me, sometimes, mas naaawa ako sa basher, kasi when you do spread negativity, it comes back to you more than once kasi parang words are so powerful that when you curse somebody with your words — not necessarily curse with bad words, ha — pero with something negative, bumabalik ’yun sa ’yo, so, mas nakakaawa ka in effect.”

    Asked kung ano ang masasabi nya sa isinusulong na National Artist award para kay Dolphy, aniya, “Sana, mabigay. I was talking to some people about it na kailangan talaga, kinakampanya siya.

    So, I think, very loud and clear naman na a lot of people wanted him (to be the National Artist), so, sana, mabigay.”

    Pero hoping ba siya na makasal pa ang mom at Tito Dolphy niya?

    “Ako, kung ano ’yung gusto nila talaga, du’n ako.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here